Chapter 3

36 1 0
                                    

Lisa's POV

Lumipas yung mga araw na ang sweet sweet nila sa isa't isa habang ako, eto mas lalong nawalan ng pag-asa na magkakalove-life pa ako. Ang sakit na sa harap ko pa nila ginagawa yung mga kalandian nila (tunog bitter >_________<)

"Bestfriend, pupunta kami ni Raymond sa bar mamaya, sama ka ha?" aya sa akin ni Bea.

Papayag ba ako o hindi? Ang hirap naman magdesisyon...

Kapag tumanggi ako, baka mahalata nila na hindi talaga ako cool sa pagiging couple nila...

Pero kapag um-oo naman ako, makikita ko lang yung mga bagay na magpapasakit ng damdamin ko.

Anong pipiliin ko? Oo o hindi?

Isip, Lisa, ISIP!!

"Silence means YES!! See you tonight!!" masayang sabi ni Bea at tsaka sumakay na sa lift.

"Lisa.....Hindi mo na pala talaga kailangan mag-desisyon. Bossy nga pala minsan yung bestfriend mong lukaret." sabi ko sa sarili ko. Napabuntong-hininga nalang ako at tsaka nilagay ang dalawa kong kamay sa bulsa ng coat ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapagod ako.

Hay......Kung maghanap nalang kaya ako ng iba? Para makalimutan ko na siya.

Makakahanap kaya ako ng katulad ni Doc. Raymond? Yung pogi, matangkad, mabait, sweet, matalino, at higit sa lahat caring. Huhuhu!! TT___TT

Sa panahon ngayon, hindi na ata. Ibang generation na to. Like, 2030 na kaya!! Iba na ito sa mga panahong 15 years old palang ako. Marami na ang nagbago sa 22 years kong existence dito sa mundo.

Hay....nga naman, lahat nagbabago, sana ganun din yung feelings ko.

<BAR>

"Tara!! Pasok na tayo, bestfriend!!!!" masayang sigaw ni Bea habang naka-akbay sa kanya si Raymond.

Raymond nalang itatawag ko sa kanya. Bwisit din naman siya eh at tsaka manhid. Wahahaha!!!

Pumasok  na nga kami sa loob ng bar, katulad noon ganun padin naman ang mga bar. Ang pinagkaiba nga lang ay yung concept at tsaka yung layout ng mga bar's. Kumbaga, lahat Futuristic na.

Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa makahanap na sila Bea ng maganda-gandang pwesto. Maganda ang napili nilang pwesto, magandang maganda ang pwesto para mag-make out. Kay ganda naman talaga diba?!!

(sarcastic level:10000)

Dahil sa kasama nila ako, I get to see their live show performance. Surely, kapag nagtagal ako dito hanggang sa matapos sila (or kung matatapos pa sila) papalakpak ako ng bongga!! Napaka-torrid naman kasi!! Wild na kung wild!!

Dahil sa naiinis ako sa malaswang kaganapan na nakikita ko, umalis nalang ako at pumunta sa counter.

"One tequila, please." sabi ko kaagad dun sa waiter at agad naman niyang inabot sa akin yung order ko.

Ang boring pala sa bar no? ano bang ginagawa ng mga single dito? or meron nga bang single dito? mahahanap ko ba dito yung ideal man ko?

Inikot pa ng mata ko yung buong paligid hanggang sa maubos na yung inumin ko.

"Wala naman akong makita. Pero sana meron akong makita." sabi ko dun sa walang laman kong baso. Tinignan ko naman yung waiter para magdagdag pa ng order at nahuli ko siyang nakakunot yung noo sa akin. Hay......nagmukha pa tuloy akong baliw sa harap niya nakakahiya naman.

A Thousand kissesWhere stories live. Discover now