Secret On

53 22 34
                                    


Sabado ng hapon at nakatambay kami nina Sarah at Jasmine sa labas ng bahay. Nakaupo sa isang mahabang bangkito na kasya tatlong tao na naka pwesto sa mismong paglabas ng gate ng bahay namin sa bandang kanan. Napapagitnaan ako ni Sarah at Jasmine.

"Medyo nagugutom ako. Tara kain tayo", biglang sabi ni Sarah habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko.

"Sige. Anong gusto ninyong merienda?", sagot ko.

"Ako, gusto ko ng fishball. Tara! May bagong bukas na tindahan ng fishball, kwek-kwek at squidball, kikiam sa kanto", sabat ni Jasmine.

"Wait lang. Kunin ko muna wallet ko sa kwarto", sabi ko.

After bumili ng merienda, bumalik kami sa kinauupuan namin na bangkito sa labas ng bahay. "Gusto ko ng Coke", sabi ni Jasmine.

"Ikaw na bumili ng Coke, yung Mismo tig iisa tayong tatlo. Tinatamad ako tumayo", sagot ko. Biglang kinalabit ako ni Sarah sa tagiliran ng balakang. "Ayy putek!", nasambit ko sa pagka gulat sa biglang pagkalabit ni Sarah.

Bumulong si Sarah sa kaliwang tenga ko, "Andiyan si Michael kasama si Ronald sa tindahan. Nagyoyosi yata siya."

Biglang kumabog ang dibdib ko. Bumilis ang pintig ng puso at nanlamig mga palad ko. "Uwi na ko. Or kung gusto ninyo, doon tayo tumambay sa loob ng gate namin", sabi ko.

"Para kang tanga! Ano ka ba. May gusto ka na ba kay Michael? Akala ko ba gusto mo pang magkabalikan kayo ni Eric. Hoy Teh! Para smack lang yug nangyari sa inyo nung isang linggo ha!", parang naiinis na sabi ni Jasmine.

"Gaga! Gusto ko lang pumasok kasi naiinitan ako dito sa labas", sabi ko.

"Baket?! Pag pumasok ka sa gate ninyo, may aircon?! Baliw! Diyan lang kayo at bibili ako ng Coke" sabi ni Jasmine.

Pag alis ni Jasmine, nagkatinginan kami ni Sarah. "Umamin ka sa akin. Nagkakagusto ka na ba kay Michael?", tanong ni Sarah.

"To be honest, hindi ko alam. Pero mula nung naglaro tayo ng Truth or Dare, palagi nalang ako kinakabahan tuwing magkikita kami ni Michael or magkakasalubungan. Parang nahihiya ako na hindi ko maintindihan. Pero pag hindi ko siya nakikita, nalulungkot ako. Sa tingin mo, may gusto na ba ako sa kanya? Eh paano si Eric", nanghihinang sabi ko.

"Heller?! Okay ka lang? Di ba matagal na kayong hiwalay ni Eric. Saka di ko kinakikitaan si Eric na gusto pa niya makipagbalikan sa iyo. And besides, di ka naman sineryoso ni Eric di ba", sabi ni Sarah. "At eto pa ang latest, in case hindi ka aware. Nagkakalapit si Eric at Jasmine ngayon, alam mo ba yun? Sa pagkakaalam ko, narinig ko sa pag uusap ni Michael at Ronald, nagpasama si Jasmine kay Eric nung isang araw sa National Bookstore. May binili yatang materials si Jasmine para sa project niya sa school" sabi ni Sarah habang napataas ang kaliwang kilay at umismid ang nguso.

"Ganun ba. Busy kasi ako nung isang araw kaya nung nagpasama sa akin si Jasmine, tinanggihan ko siya", sagot ko sa mahinang boses.

Pagbalik ni Jasmine, kasama na niya si Ronald at Michael. Inabot ni Ronald ang isang bote ng Coke kay Sarah at inabot naman sa akin ni Michael ang isang bote. "Thank you" mahinang sabi ko.

"Bakit parang Biyernes Santo mga mukha ninyo?" sabi ni Ronald.

"Oo nga. Parang nalungkot ka pa Claire nung inabot ko ang Coke" natatawang sabi ni Michael.

"Hindi naman. Bigla ko lang naisip na may kailangan pala akong tapusin na project" sabi ko habang napangiti ng bahagya.

"Oyy! Ang corny ninyo ha! Kanina lang chikahan to death tayo saka di ba sabi ninyo tapos na mga projects ninyo. Bakit bigla naman kayong nagkaroon ng project diyan?!" sabi ni Jasmine na napapa ismid at napapataas ang kanan na kilay.

To Be Continued...Where stories live. Discover now