SORRY

184 0 0
                                    

I wanted you to say sorry. I've waited for you  to say sorry. And when you  finally did hindi ko inaasahan na hindi ako magiging masaya.

Gone was that relieved feeling everytime na magsosorry ka. Gone was that looking forward feeling na finally everything will be right and normal again.

I asked myself kung bakit ganito. Gusto kong magsorry ka kasi nasaktan mo ko but then hindi pala ako magiging masaya.

The pain is still there, the doubts, the fears. Hindi napawi ng sorry mo yung sakit.

Naiinis ako kasi hindi ko alam kung anong dapat na isagot ko. Basta ang alam ko masakit pa, hindi ko magawang makangiti, hindi ko magawang sabihing ok na...

Hindi ko magawang ibalik sa normal.

Nakatayo parin ako sa linya na parang hindi malinaw kung saang patungo ang dulo. Parang ginuguhit ito ng lapis na pawala na ng tasa.

Natatakot ako kasi natitiis na kita, natatakot ako kasi kahit sobra yung sakit iilang luha nalang ang pumapatak galing saking mata.

Yung sakit ay unti unting napapalitan ng pagka manhid.

Hint ba ito na kaya ko na? Nagsasawa na ba ako sa ganitong klase ng ating pagsasama?

Mahal na mahal kita pero parang bumibigay na yung puso ko.

Hindi ko alam, nagugukulan ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Basta ang alam ko.....

Hindi ako masaya sa ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEALING WITH PAINWhere stories live. Discover now