PiII 78 I Love You

Start from the beginning
                                    

"Wait Kean, wala na naman si Krissa? Tungkol na naman ba ito sa kanya? Ano na namang pakulo iyang iniisip mo?" Tanong ni Shanna.

"Oo tama ka all about nga sa kanya kung bakit ko kayo pinatawag ngayon dito. Hindi ito surprise, maski ako nahihirapan eh." Sabi ko.

"Don't tell me na nagkakalabuan na kayo? Eh noong Valentines Day lang eh ang sweet-sweet niyo." Sabi naman ni Toff.

"Mali iyang iniisip mo Toffer, hindi kami nag-away ok? Pero baka magalit siya sa akin." Sabi ko.

"Naku ang gulo mo! Bakit naman siya magagalit sayo? May gagawin ka bang hindi niya magugustuhan? Kung gayon, huwag mo ng ituloy para hindi siya magalit." Sabi ni Jiro.

"Hindi niyo kasi naiintindihan guys, the reason why I called you guys is simply because aalis ako ng bansa for 3 weeks at I need you help!" Sabi ko.

"3 weeks lang pala eh basta pasalubong ah? Anong klaseng help ba?" Tanong ni Charlene.

"I need you advices kung dapat ko bang sabihin ito kay Krissa o hindi." Sabi ko.

"Ok ako na mauna, dahil bestfriend niya ako, alam kong mahirap sa kanya para tanggapin na iiwan siya ng Boyfriend niya in 3 weeks. Mararamdamin kasi iyon eh lalo na pagdating sa lovelife kaya tell her kaysa sa iba pa niya malaman." Sabi ni Shanna.

"Ako naman, dahil childhood friend niya, alam kong ayaw niyang iniiwanan siya lalo na in your case aalis ka ng bansa, talagang iiyak iyon kasi feeling niya iniwan siya ng taong mahal niya. Mag-usap kayo about dito ng kayong dalawa lang." Sabi ni Toffer.

"Kapag hindi mo sinabi sa kanya ay maghihinanakit sa iyo iyon lalo na kapag sa iba nga niya nalaman, patay kang bata ka!" Sabi ni Cha.

"Oo nga! Mahirap kasing maglihim sa isang tao alam mo namang lahat ng sikreto ay nabubunyag diba? Kaya it's better to tell her about this!" Sabi ni Jiro.

"Guys, lahat kayo tama! Salamat nga pala sa tulong niyo! Ngayon ay naliwanagan na ako kung ano ba ang dapat kong gawin kaya salamat talaga! The best kayo!" Sabi ko at nagsikainan lang sila at umuwi na rin.

I text Krissa na magkita kami sa Park bukas ng umaga at may sasabihin ako sa kanya at nag-ok lang siya.

Kinabukasan.....

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now