PiII 28 Ang Huling El Bimbo

881 82 11
                                    

Krissa's POV

Pakiplay po yung song sa gilid entitled ANG HULING EL BIMBO BY ERASERHEADS sana magustuhan niyo. This song is one of my favorite. 

-------------------------->

Dagdagan na lang, last kasi ay family trip

Tuwang-tuwa nga si Kean dahil hindi kami hinadlangan ng mga parents namin. Botong-boto sila sa relasyon namin. Hindi lang iyon nagkaroon pa ng bonding ang Mendrez-Bermudez Family o diba parang isa na kaming pamilya. Ayon kasi ang mahirap sa panahon ngayon, ang hindi payag ang inyong magulang sa inyo na makipagrelasyon at ang resulta ay nagrerebelde ang anak. Kaya kayo diyan kung mayroon man kayong secret relationship dapat ipaalam niyo na sa parents niyo habang hindi pa huli ang lahat para hindi rin kayo magsisi kapag nagkaalaman na dahil Parents knows best kaya dapat nating sundin kung ano yung gusto nila.

1st monthsary namin kahapon ni LASH kaso busy kami pareho eh kaya ngayon lang namin naicelebrate. Nandito kami ni Kean sa mall ngayon para magcelebrate. Mamamasyal at Magsasaya na muna kamin. Habang naglalakad kami sa loob ng mall ay nakita ko ang childhood friend at first love ko na si Kristoffer. Ewan ko ba nung nakita ko siya biglang bumilis yung tibok ng puso ko parang bang kinakabahan ganun, nung nakita ko siya kaya niyaya ko ng umuwi si Kean. Nagtaka tuloy siya ang sabi ko na lang sumakit bigla yung tiyan ko, nakapagsinungaling tuloy ako ng hindi oras. Sorry :(

Oo nga pala, Bestfriends na kami ni Shana ngayon at kami pa rin talaga yung pinakasikat na couple sa school. Mabuti nga at hindi nagpaparamdam ang PearLyShells kaya tahimik ang buhay ng bawat isa.

Tapos one day bumisita sila Kristoffer sa amin dahil namiss daw nila kami kaya pwede daw ba kaming anyayahan na kumain sa kanila ng dinner. Wala naman akong magagawa kundi sumama dahil um-oo si Mama at nakakahiya naman daw kung hindi kami dadalo. Kaclose kasi ni Mama yung Mommy ni Kristoffer.

Nung dumating kami sa kanila ay napansin kong wala doon si Kristoffer kaya naman gumaan yung pakiramdam ko pero maya-maya ay dumating siya at may dalang cake.

"Ikaw na ba iyan Krissa? Ang laki na ng pinagbago mo ah, musta na?" Sabi niya

"Ok naman" pahiya epek kong sabi hehe, naiilang ako sa kanya mas lalo pa kasi siyang gumwapo.

"Naku nahiya ka pa sa akin haha. Natural lang siguro iyon dahil matagal din kaming nawala. Pero ngayon, dito na kami ulit titira." Masaya niyang sabi sa akin

"Ade mabuti, magkakabonding ulit tayo." Wait, Omg! may boyfriend na ako eh lumalantod pa ko. Lagot ako kay Kean nito.

Ay, bakit ko nasabi iyon? Mukhang sabik tuloy akong makasama siya nakakahiya naman. Baka isipin niya may gusto ako sa kanya.

"Syempre, ako yata ang superhero mo."

Sa sinabi niyang iyon ay hindi ako nakapagsalita dahil ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Bakit ganito? Kinakabahan ako? Heat beats fast? Hindi pwede, may boyfriend na ako.

After nun kumain na kami. Kwentuhan dito kwentuhan doon. Hindi ko nga pala nasabi sa inyo na boyfriend ni Ate Kylie si Kuya Kline yung kuya ni Kristoffer. Actually, half brother lang sila dahil magkaiba sila ng ina. Kung gusto po niyong malaman kung paano nagkabati si Ate Kylie at Kuya Kline, basahin niyo sa mga susunod na chapter.

Nagulat naman ako ng sabihin ng Mommy ni Kristoffer na bagay kami. Sumang-ayon naman si Mama kahit alam niyang may boyfriend na ako. Matatanda talaga.

Nang pauwi na kami ay tinawag ako ni Kristoffer at sinabing labas daw kami bukas, um-oo na lang ako dahil hindi ko alam yung sasabihin ko eh, medyo naiilang kasi ako sa kanya.

Kristoffer's POV

Magpakilala ka!

Ako nga pala si Kristoffer Tyler, half Filipino and half American. Tuwang-tuwa ako ng makita ko ulit si Krissa. Siya ang first love ko hindi ko nasabi sa kanya iyon dahil unexpected ang pag-alis namin at hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nun. Nahihiya at naiilang nga siya sa akin marahil iniisip niyang hindi na kami close. Sana nga wala pa siyang boyfriend para maligawan ko siya. Kahit kailan ay hindi ako nagmahal ng iba dahil siya lang talaga. Mas lalo siyang gumanda at mabuti naman pala yung kalagayan niya. Wala siyang pinagbago. Buti nga tinanggap niya yung alok kong lumabas kami. Siguro may pagasa pa ako sa kanya.

Sa aking pagninilay-nilay sa nakaraan ay pinatugtog ko ang kantang madalas kong kantahin dahil ito ay para sa kanya.

Noong mga bata pa kami ay ako lagi ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing may nang-aaway sa kanya.

Gumawa pa nga kami ng bahay-bahayan at ako yung tatay at siya yung nanay. Natatawa ako kapag naiisip ko ito sana nga kami ang magkatuluyan.

She's a good singer. Dahil doon sa talent niyang iyon doon ko siya talaga pinagmamalaki. Kapag sa school nga eh napapagkamalan pa kaming magsyota dahil kung maipagtanggol ko siya ay wagas. Hanggang Elementary lang po dahil Grade 4 ako ng magmigrate kami sa America.

Kapag uwian naman ay naghihintayan pa kami sa guard house tapos sabay uuwi habang magkaholding hands pa kami. Ok lang naman sa amin iyon, sana ngayon ay pwede pa. Wala pang malisya noon dahil nga mga bata pa kami.

Sana nga hindi pa huli ang lahat, pero paano kung may boyfriend na siya? Aagawin ko ba siya rito? Basta, gagawin ko ang lahat maibalik lang yung dati naming samahan.

**************

A/N :

nakakamiss nga, miss ko na rin yung mga kaibigan ko nung bata pa ako. Nagkahiwa-hiwalay na tayo sana sa muli nating pagkikita friends pa rin.

Comment and Vote!

The only way to survive in a world of deception is by trusting the One who will never deceive us.

risingservant :)

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now