March na, rush na naman ang mga ginagawa sa school, ang mga katerbang school works! Hindi pa rin talaga matatapos hanggat di natatapos ang sem.
Pero nakuha pang magfacebook ni girl haha, osyempre, umaasa pa rin na may magmemessage sa kanya . Should I say, she is hoping to reveive a message from her Mr. Right.
Oh teka teka nga, hindi bat nahanap na nya para sa kanya? Si Dave?
Si Dave na laging busy sa work nya sa Manila, na hindi na nya naisipang umuwi sa tuwing may okasyon lang sa kanila, ni hindi na din nya maisipang magparamdam kahit thru text lang sa girlfriend nya.
Hindi mahirap kay girl, nakasanayan na nya ..at nasanay na sya ni Dave na ganun na ang kanilang daily routine.
Biglang may nag "ting!" Sounds mula sa lappy ni girl..
"Marvin Custodio" ? Sino tong guy na nag message sa kanya?
"Hi ganda mo naman "
Just ignore him na lang cause you need to focused on your schoolworks.
Wait...
He looks familiar eh..
Kahit isang reply lang, kawawa naman si kuya eh...
"Hmm salamat po, magkakilala po ba tyo?"
Parang nag alangan pang isesend ang reply
Agad agad namag nagreply ang kuya nyo haha
"D nga eh, kaya nga chinat ka kasi makikipagkilala"
Ay! Alam na! Ang mga ganitong klaseng lalaki di kailangan pag aksayahan ng oras! Tuloy lang sa ginagawa girl..kiber lang si kuya!
Pero wait nang manahimik na sya.. last reply na lang
"Sensya na po di po ako nakikipagchat sa d ko kilala, wag na po kayo message"
Taray!
"Ang sungit mo naman, cute ka pa man din"
Bolero! Pareparehas lang kayo!
Sa una lang sweet, kapag nakuha nyo na loob ng girl! Ayun mag eexplore pa ng iba!
Bitter si ate? HHaha
At doon na nagsimula ang kwento ni Anne at Marvin...
