“Hoy, ‘te, ano’ng kaartehan iyan? Paki-explain!” Nagulat ako nang biglang sumulpot si Philip sa likod ko. Muntik na akong mahulog sa upuan. Kainis talaga ang baklang ito.

“Makatulak naman diyan parang hindi tao ang tinutulak, eh.” Reklamo ko habang inayos ang papel at nilagay muli sa bag ko.

“Tao ka ba?” Nakataas ang isang kilay na tanong nito.

“Tse.” Inirapan ko siya habang naupo ito sa harap ko. “Nasaan sina Cess at Kaye?”

“Nasa library, eh. May ginagawang report.”

“Hindi raw ba sila sasabay sa atin mag-lunch?”

“Hindi raw, eh.” Nakasimangot na sabi nito habang nagkakalkal sa kanyang bag.

“Okay. Eh, ‘di tayo nang umorder. Gutom na ako, eh.” I forced to smile.

Tumigil ito sa kanyang ginagawa. Philip sighed and looked at me with a sad face. “Astrid, are you okay?”

I grinned. “Oo naman. Bakit hindi ako magiging okay?”

“Lately kasi, you’re always spacing out. Most of the time, you look sad. Then right now, you’re grinning like a bobcat. Alam mo ‘yon? ‘Yong kanta sa Pocahontas.” He said wryly.

“Pauso ka. Bobcat bobcat ka diyan. You meant grinning like a Cheshire cat?” Natatawa kong tanong.

“Yeah. Whatever. Hindi ako magaling sa idiom at figures of speech na gaya mong CommArts,” sabi niya sabay irap.

Napailing na lang ako sa tinuran niya. “Ano ka ba? I’m okay noh.” I paused. “Well…I’m trying to be okay.”

Umamo ang mukha nito. He leaned and held my hands. “Sister, be strong ha?”

I smiled. “It’s never easy. It will never be. But don’t worry, sister.” I sighed. “I’ll get by,” I whipered.

Tinuon ko ang paningin ko sa mag-boyfriend sa kabilang table. Wala sa sariling napangiti ako nang sinubuan ng lalaki ng hot fudge ang babae. The girl giggled. How sweet.

“Hey.” Philip flicked me with his hand.

“Aray ko ha! You’re being violent!” Reklamo ko habang hinihimas ang noo ko.

“Wushu. Ang arte nito. Ang hina-hina kaya no’n.”

“Eh, gusto mo i-try ko sa’yo?” Hamon ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Joke lang.” He beamed.

Gwapo talaga ang bading na ito. Isang malaking kawalan talaga sa sambayanang kalalakihan.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon