Sorry, Suzette. Ayoko sanang mang-asar pero pinilit mo ako. At ayaw niya akong makitang kasama ang kuya niya? Duh. Ayoko rin namang kasama ang kuya niya! Sadyang lagi lang kaming pinagtatagpo ng... err, tadhana?

Lunch time at sabay na namin kami ni Martin kumain. Wala rin siyang masyadong barkada. May mga kaibigan, pero hindi ganun ka-close para lagi siyang sumama sa kanila. At ako ang gusto niya, kaya heto, magkasama kami. Kaya nga laging napagkakamalan ng mga tao na magkasintahan. Pwe! Lalim.

Sa gitna nang pagngunguya ko, bigla siyang nagsalita.

"Senna, kailan mo ako sasagutin?"

Bigla akong na-choke sa tanong niya kaya napa-ubo ako. Agad naman niya akong binigyan ng tubig. Nilagok ko iyon saka ako nagsalita nung okay na ako. Grabeng tanong naman kasi.

Bumuntong-hiningan ako saka tumingin sa kanya.

"Martin, alam mo naman na ang sagot, diba?"

Lumungkot ang mukha niya. "Wala na ba talagang pag-asa, kahit na anong gawin ko?"

"Honestly, hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Leo. Hindi pa ako handa sa kahit na anong intimate relationship ngayon. Tsaka ayoko na... Ayoko na talaga, Martin."

"Hindi mo ba ako gusto? Or, wala ba talagang chance na magustuhan mo ako?" tanong ulit niya.

"Gusto naman kita, Martin. Gusto kita dahil ang bait-bait mo at sobrang gaan ng pakiramdam ko sa iyo. Gusto nga kitang laging kasama pero ang nakikita ko sa iyo ay isang bestfriend..." Yumuko ako pagkasabi ko nun.

Hindi na rin siya nakasagot agad.

"Aish! Sorry, hindi ko dapat tinanong yun. Baka nawalan ka na ng gana kumain..." sabi niya.

"Hindi naman. Okay lang yun, Martin." Pagkasabi ko nun ay kumain na ulit ako. Siya rin, bumalik sa pag-kain.

"Pero, hindi ka ba nagsasawa sa akin?" tanong ko sa kanya. "Maraming iba diyan, Martin. Maraming may gusto sa iyo. Pero bakit ako?"

"Hindi ko alam, Senna. Hindi ko talaga alam. Nagising nalang ako isang araw, mahal na kita. At sa bawat umagang gumigising ako, mas lalo akong naiinlove sa iyo. Hindi ko alam, Senna. Pero mahal talaga kita."

Di Bale Nalang [MinSul]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें