Chapter 8: Manong Guard :D

3.4K 103 5
                                        

MIKE'S POV

Kilala niyo naman na ako di ba? Ako si Michael James "Mike" Santos at kapatid ko si Gabriel Adrian "Gian" Santos. 26 years old na ako at isa rin akong photographer tulad ng kapatid kong si Gian. Ang kaso nga lang ay magkaiba kami ng pinapasukan. Pumapasok si Gian sa Books Inc. Ang isang sikat na company ng mga libro at ako naman ay sa isang sikat na magazine. Ang 'Fashionista'. 

Andito ako sa sala, nanonood ng tv at kumakain ng Vcut. 

1 new message received from Liam.

1 new message received from Kyle.

1 new message received from Jasper.

1 new message received from Bogs.

Grabe lang 'tong mga 'toh! Bigla-biglang magpaparamdam. Sila nga pala 'yung mga tropa ko. Si Liam, Kyle, Jasper at Bogs. Pero may isa pa akong tropa si Mavic. Ewan ko lang kung bakit hindi nagtext. Isa-isa kong binuksan ang mga text nila at nagulat ako dahil parepareho sila ng tinext sakin at mas kinagulat ko ang nakalagay sa text. O.O

PAM'S POV

08-01-05

Dear Diary,

Nagkaroon kami ng away ni Calix, huhuhuhu :( Bakit? Eh kasi nagselos siya gawa nung asungot na lalaking may gusto din sakin. Pero okay na kami kasi nagtext siya sakin ng 'Sorry kung nagselos ako kahit wala akong karapatan', pasensya ka na, prinsesa ko.' oh di ba? Ang sweet. May endearment pa kami! Hahahaha! Anyways, nakakairita talaga 'yung lalaking 'yun sinabi ko naman sa kanya na wala siyang pagasa sakin kasi nga di ba kay Calix lang ako. :) <3 Hahaha! I really love Calix, kaya nga kapag nagtanong na siya ng 'Will you be my girlfriend' Sus! Sabihan na nila akong malandi pero Oo agad ang sagot ko. Pakakawalan ko pa ba siya? ="> 

Love,

PKG <3

"Pam, malelate tayo ng uwi kung uunahin mo 'yang pagbabasa mo diyan."  pagsesermon ni Malou sakin. "Ok fine. Sorry po." sabi ko at ginaya si Chichay ng Got to Believe. 

Nagthumbs-up si bes. "Good." sabi niya at pinagpatuloy ang pagtatype sa laptop niya. Pinagpatuloy ko na din ang pagtatype ko. 

"Bes, uwi na tayo. 8:30 na oh!" sabi ni bes at pinakita ang relo niya sakin. Tumango lang ako at sinave ko na din ang tinatype ko. Si Malou naman ay nagaayos ng gamit niya.

1 new message from Panget.

Nagtataka kayo kung sino si Panget? Si Panget 'yung kapatid ni Gian. Kinukulit ako niyan simula nung nagkakilala kami sa park.

From: Panget

Hey, miss beautiful. Kumusta? Sunduin kita, you want? :)

Hay! bahala siya! Hindi ko siya rereplayan. Manigas siya! "Baliw ka na ba ngayon?" tanong ni bes. Nagulat ako sa tanong niya. Baliw? Ako? Bakit? "Huh?" pagtatakang tanong ko.

"Nangiti ka kasi mag-isa." sabi niya. Ah! Akala ko naman. "Okay ka na ba? Ready na ako. Abangan na lang kita sa baba." sabi ko. Tuamngo lang siya at umalis na ako.

Kasalukuyan na akong nasa may lobby ng building. 

*booooooooooogsh

May nakabunggo lang naman ako este binuggo pala. Ang sakit lang ha.

Tumayo ako kasi hiyang-hiya ako dun sa babaeng nakabangga ko. "Salamat sa pagtul--" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko kasi nagulat na ako. Nagulat ako kasi nung tumingin ako sa likod ko eh wala namang babae. Ang bilis naman niya, atsaka anong ginagawa niya dito eh 8:30 na.

At dahil nacucurious ako eh dumerecho ako sa daan kung saan alam ko na doon papunta 'yung babae. Baka lang kasi mamaya eh, killer pala 'yun. 

Tingin dito.

Tingin doon.

Tingin diyan.

Walang bakas ng babae. Nasaan na kaya 'yun?

"Pssst." O.O

"Pssst." Sino 'yun?

"AYY! DE PUTA KA KUNG SINO KA MAN!"  'yan ang gusto kong sabihin nung may biglang humawak sa magkabila kong balikat kaso hindi ako makasigaw. Ewan ko ba kung bakit. Dahan-dahan na lang akong humarap sa kanya at nagulat ako kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dito?" takte! Si manong guard lang pala! Akala niyo kung sino noh? Akala ko din si ano eh. Hahaha! K fine. :)

"Ah............eh........." hindi ako natapos kasi biglang sumigaw ang bruhilda kong bespren. "Bes, tara na. Wala nang mga taxi na nadaan oh?" sabi niya sabay hila sakin paalis ng building.

"Sabay na lang kayo sakin." nagulat ako doon sa nagsalita na 'yon. Putcha! Bakit parang ang dami kong gulat ngayon? -__________-

"Ah, nako! Gian, huwag na! Nakakahiya! Baka may susunduin ka pa eh." pahiyang sabi ni bes. Hmmm, if I know.

"Ah wala naman. Sige na sabay na kayo. Okay lang." sabi niya. Wala naman?! Naman?! Ibig sabihin mayroon talaga?! Teka, bakit ako affected?

"Ah sige." sabi ni bes sabay kamot sa ulo. Tss. -__________- Sumakay na siya sa passenger seat. Sasakay na din dapat ako ng biglang magsalita si bes. 

"Bes, doon ka na lang sa passenger seat. Pwede? Tutulog ako, pagod kasi ako eh. Please?" sabi ni bes. Tiningnan ko si Gian kung nakatingin. NEGATIVE. May kausap kasi siya sa phone niya, ewan ko kung sino.

"Hoy. Bruhilda ka! Akala mo hindi ko alam plano mo? Ha? Neknek mo!" sabi ko. Ngumiti si bes ng nakakaloko at pinagsarahan ba naman ako ng pintuan at nilock pa ha.

"Tss. Kuya, hindi ako makakapunta. Kasama ko si Pam." rinig kong sabi ni Gian. May kausap nga siya sa phone niya di ba?

"Aish. Sige na. Oo na." sabi niya at binaba ang phone. "Badtrip!' bulong niya pero rinig ko. Tumingin siya sakin at napaiwas naman ako ng tingin.

"Bakit di ka pa nasakay?" tanong niya pero hindi ako tinitingnan. Nakatingin siya sa phone niya as if na may ginagawa siya. Hay nako! Kilala ko 'yang si Gian. Ganyan 'yan kapag awkward siya.

"Eh si Malou kasi ang arte eh." sabi ko. "Hey! Lovebirds! Alis na tayo! Pagod na ako eh." sabi ni Malou.

"Ah, pwede bang ano......uhm......may dadaanan kasi ako......kung pwede sana eh daanan na natin. Kung pwede lang naman." sabi ni Gian. 

"Sure, kami na nga 'tong nakisakay, pagbabawalan ka pa namin." pabiro ko just to get rid of his awkward feeling.

"Ah sige." ngumiti siya at sumakay na ng kotse. Sumakay na din ako sa shotgun seat. 

Habang nasa biyahe, ang daldal ni Malou. Kahit mga 15 minutes na siya dakdak ng dakdak feeling ko 1 hour na. Torture. Dafudge! -_____________-

"We're here." sabi ni Gian habang inaalis ang seatbelt niya. Tumingin ako sa paligid. Isang napakalaki na bahay. Nagulat na lang ako kasi. 

"Bakit may kandila? May patay ba dito?" tanong ko.

A Diary of the DeadWhere stories live. Discover now