Chapter 9: Mahahalagang Tawag

1.2K 5 3
                                    

8 - 3 - 1 - 9 - 8 - 2 - 4

Riiiiiing! Riiiiiiiing! Riiiiiiiiing!

Isang kamay ang dahan-dahang nag-angat sa receiver ng telepono mula sa kinahihimlayan nito.

"Hello."

Pambungad na pambati mula sa bibig ng babae na may sexy at mapulang labi, malambing ngunit may diin.

"Alam na ng matanda." Sagot mula sa kabilang linya na tunog lalaki.

"Isa pa," Pahabol ng boses sa kabilang linya ng telepono.

"...may nakakita."

Nagkaroon ng katahimikan sa gitna ng halos walang kabuhay-buhay na pag-uusap na iyon hanggang nagsalita muli ang babaeng may mapulang labi.

"Alam mo na ang gagawin mo.."

Sabay baba sa telepono.

Kumuha ng papel ang misteryosong babae mula sa lamesang kinalalagyan ng telepono at nagsimulang magsulat. Madiin at marahan. Matapos magsulat ay pinilas ang papel at binasa ng tahimik ang anim na letrang nakasulat.

A L D R I N

Dahan-dahang hinalikan nito ang papel at habang hawak sa dalawang daliri ay bigla na lang sumiklab ang papel hanggang sa lamunin na ng apoy at wala ng matira.

Samantala sa bahay nila Celine.

Nagsimulang itulak ni celine ang mga kasangkapan sa loob ng kwarto upang iharang sa pinto at nang hindi makapasok ang lalaking kinagat niya ang kamay kani-kanina lang.

Nagsasalita ang lalaki sa labas ng pintuan ngunit hindi niya ito napapakinggan ng mabuti, marahil ay dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Eto ang unang pagkakataon na nakaramdam ng panghihina ang batang babae at ito ay dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na lolo.

Ilang saglit pa ay tumigil na din sa paghahatak ng mga gamit si Celine. Napansin niyang tumahimik ang kapaligiran. Hindi na nagsasalita ang lalaki sa labas ng pintuan.

Agad niyang pinuntahan ang bintana sa kanyang silid, sinilip at sinaraduhan.

Napalingon si Celine sa pintuan ng may biglang lumusot na isang pirasong papel mula sa ilalim ng pinto. Agad na napasampa si Celine sa ibabaw ng higaan at hindi malaman ang gagawin.

Matapos ang ilang segundong pagtitig sa papel sa sahig ay napag isip-isip niyang wala naman sigurong masama kung titignan nya kung ano ito at kung para saan.

Matalinong bata si Celine, alam niyang ang papel ay marahil naglalaman ng sulat at yun ang gusto niyang malaman - ano ang nilalaman ng misteryosong papel?

Dahan-dahan na bumaba si Celine at inabot ang papel sa sahig.

"Pakibasa!"

Sigaw ng lalaki sa likod ng pintuan.

Nagulat si Celine at agad na napatakbo sa may higaan. Agad niyang binuksan ang papel at binasa ang nilalaman nito.

AKO SI OTEP, KAIBIGAN KO SI TITO MARIO. PINAPUNTA NIYA AKO DITO PARA SUNDUIN KA AT IHATID SA MGA TITA MO. MAY TEXT SIYA SA PHONE KO, IABOT KO SA YO PHONE KO BUKSAN MO PINTO.

"Nabasa mo na?" sigaw ni Otep mula sa labas ng pinto.

"Oo" sumagot si Celine.

Sumagot ulit si Otep, "Ano ipakita ko sa yo phone ko?"

"Sabi ni Lolo, wag ako makipagusap sa di ko kakilala!" Mabilis na sagot ng batang babae.

"Pero kilala ko nga Lolo mo! Pinapunta n'ya ko dito!" Sagot ni Otep.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwento Sa Dilim: ANG MAGBOBOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon