I immediately hit reply and typed habang pilit na itinatago ang kilig. Nanagalog pa ang mahal ko. Eee! Mas hot kung maririnig ko mismo sa bibig niya.

To: Grae 💖
Uh, yes. Good afternoon. That's okay. I understand.
Sent   3:05pm

I smiled dreamily as I clutched my phone on my chest. Shucks! Sagot sa aking dasal na ba ito? Thank You, Lord!

Nang tumunog ulit ang phone ko ay agad-agad ko itong binuksan.

From: Grae 💖
Thank you. Dinner tonight?
Received   3:06pm

I squealed as I read his reply. Ilang ulit ko pa itong binasa bago nagsink-in ng tuluyan ang text niya.

Is he asking me out on a date? We're going on a date!

To: Grae 💖
Okay. What time?
Sent   3:10pm

From: Grae 💖
7pm. Is Schulaika's okay? I'll fetch you.
Received   3:10pm

Still smiling like an idiot, I hit reply.

To: Grae 💖
Okay. Schulaika's fine. Let's just meet there. No need to fetch me. See you.
Sent   3:11pm

From: Grae 💖
See you later, baby.
Received   3:11pm
******
7:10pm

Agad akong bumaba pagkapark ko ng kotse. Late na ako ng ten minutes sa usapan namin ni Grae. Nagtext na nga rin siya kung nasaan na ako. Atat lang na makita ako, ganon?

Bago tuluyang pumasok, tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa glass wall ng Schulaika's. I smiled as I saw my reflection. I am really the definition of perfection. Ang kumontra, pangit!

Since first date namin ito ng aking mahal, siyempre nagpaganda ako lalo kahit na maganda na ako.

I am wearing a strapless white dress that reached above my knees and a two-inch strapped white sandals. I made my hair into a bun and curled some strands at the sides, exposing my slender neck and flawless shoulders. Naks! I also wore light make up, a small diamond earrings, and a silver necklace with a C pendant. Nakasabit sa aking balikat ang isa ring white chained pouch bag.

All in all, I look like a goddess personified. I smiles at my own thoughts. Nagyayabang na naman ako, which is true naman.

Pagpasik ko sa loob, halos lahat ng mga mata ay tumutok sa akin. They all had the same look, admiration. I know, I know. Bihira lang talaga kaming mga diyosa na bumaba sa Mt. Olympus kaya pasensiya na kung nabigla kayo.

Lumapit naman sa akin ang isang waiter na titig na titig pa sa akin. Parang hindi makapaniwala na may isang magandang babae ang napadpad sa restaurant.

"Hi, Ma'am. Table for how many po?"

I smiled at him and his eyes widened. "Hi, Kevin. May reservation na ako in the name of Grae Dominic Rodriguez."

Natigilan siya at mas pinakatitigan pa ako. Ilang segundo ang lumipas bago nanlaki ang mga mata niya na para bang kilala na niya ako. "Ma'am Cexchia! Hindi kita nakilala. Akala ko kung sinong magandang naligaw dito sa resto. Grabe, Ma'am, ang ganda niyo lalo."

I know. Maliit na bagay. "Salamat sa paputi, Kevin. Pero pwedeng pakihatid na ako kay Mr. Rodriguez? Kanina niya pa kasi ako hinihintay."

"Ay, opo, Ma'am. Sorry. This way po."

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now