Chapter 5: Together

138 2 2
                                    

Multimedia: Kat

................................................................................................................................................................

Grabe!!! Kung alam niyo lang ang feeling na magkasama ka ng crush mo tas nasa private place kayo. Kakilig!!!!!!!!!

Buti na lang hindi ako tinutukso nina Jastine kundi mas lalamig ba or iinit yung batok ko, at mas bibigat ang dinadala kong paghihide ng feelings... at ang pinakamalala pang senario ay ang pagblurt out ko ng feelings ko or hindi ko na mapigilan ang kilig ko.

"Ela, 30 orders daw at ang menu ay number 12." sabi ni Mary sa akin.

Napatingin ako sa kanya't nakita kong nagwink siya sa akin kaloka at saka umalis na siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso dahil sa ibinigay ni Mary na look sa akin kanina lang. Ang ibig sabihin kasi nito ay good luck and its not a good thing... It is a BAD THING. Kapag ganoon kasi ay parang may pinaplano silang masama... sa sobrang sama ay kapag ako ang pinagpaplanuhan nila... kulang na lang ay patayin sila sa sobrang inis.

So much for that, binasa ko yung recipe at nagulat na lang ako at iyon ang graham supreme. Yun na ata ang pinakatricky na dessert na nasa menu namin kasi usually dalawa ang gumagawa nito. Ang Graham Supreme ay isang dessert na inoriginate ni Ma'am Santiago at hinand over sa amin. Ito ay isang dessert na parang graham cake, chocolate mouse dahil sa softness at chocolate, at ice cream at the same time. Ito ay isang masarap na graham dish pero hindi ito simpleng gawin lalo na't 30 ang kailangang gawin. Grabe nagpapanick na ako!!!

"Ela?" sabi ni Jeff sa akin.

Ayan tuloy nagulat ako dahil tinawag niya ako pero nothing could ever calm me other than his angelic voice... kaso iba ang sitwasyon kaya hindi ako kakalma... lalo na't kaming dalawa lang!

"Ahh... bakit?"

"Ano na yung dessert na gagawin?"

"Ahh... yung Graham Supreme. Thirty pieces ang kailangan at saka dine in."

"Hala, dapat pala nagsisimula na tayo. Okay ikaw na ang bahala sa ice cream spread natin at ako na ang bahala sa base."

"Okay."

Ginawa na namin ang mga nakaassign sa amin at nang matapos ay niready ko na yung spread sa icing bag para mas maayos ang pag lalagay nito sa container. Kinuha ko na yung bag kaso sobrang malaki iyon at mabigat dahil sa dami ng icing.

"Ela, kaya mo ba?"

"Ah ayus lang"

Binuhat ko ulit kaso hindi talaga kakayanin at baka tumapon pa.

"Tulungan na nga kita."

Kinuha na naming dalawa ang icing ba at nagsimula ng maglagay sa container. Nagdikit ang aming mga braso at parang uminit ang pakiramdam ko. OMG!!!! magkadikit kami... hahaha minsan nga naman sinuswerte... hay sana ganito na lang lagi.

Pagkatapos namin sa isang tray ng container ay nag-iba ang position naming dalawa. Nasa likuran ko na siya ng mga time na iyon at parang nakahug na siya sa akin... trolololol!!!! Nak ka nang naman o!!! Kakilig... XD

Dug-dug

Hala! ayan na naman siya... yang heart kong survivor. Ui please naman, huwag masyadong malakas baka mapaghalataan ako ni Jeff... please. Grabe, I can't get a hold of myself... kulang na lang humarap ako sa kanya't hagkan siya. Grabe ayaw ko na... God please give me strength.

Please, I hope this would'nt end. Sana ganito na lang kami... sana ganito kami kasweet... sana mahal niya rin niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya-

Because of LoveWhere stories live. Discover now