Magpout Ka Nga! (One-Shot)

Start from the beginning
                                    

"Gagyu ka, pards! Ginutom mo na yung bebs ko!" sigaw sa kanya ni Rence habang nakayakap pa din kay Yuki. Pag-uwi ko nito, may diabetes na ako. Ang tamis masyado nung couples eh. Ang sarap i-dissolve sa mainit na tubig. Echos lang! Inirapan lang ni Mikko si Rence at kumuha na ng barbeque. Aba't nanguna pa sa pagkain? Siya na nga tong late eh. Kumain na rin kami.

"Hoy Mikko, bakit ba ang tagal mo? Namiss ka tuloy ni Sha," sabi ni Gabby habang nakangisi. Literally, nanlaki ang mata ko at kamuntik na akong mabulunan dun sa spaghetti na nikakain ko. Lagot sa akin tong bruhong to mamaya. Inabutan naman ako ng juice ni Yuki at saka siya tumawa nang mahina. Baliw talaga to. Habang umiinom, nakatingin lang ako kay Mikko, inaantay kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Gabby. "Tss. Pake ko?"

Awch naman. Nasaktan ako dun ah. Akala ko pa naman, sasabihin din niyang namiss niya ako. Assuming naman kasi ako eh. Yumuko lang ako at muling kumain. Daanin na lang sa pagkain ang pagkasawi sa pag-ibig. Natahimik ata bigla. Tinignan ko sila. "Problema nyo?" At saka ako umiling. Anyare sa mga to? Parang kanina lang, ang iingay nila, tapos ngayon ang tahimik naman. Kanina, inaasar pa nila ako kay Mikko, tapos ngayon natahimik sila? Well, hindi ko naman ine-expect na gusto rin ako ni Mikko, pero inaamin kong na-disappoint ako dun sa mga sinabi niya. Kasi 50% of me, naniniwala at nage-expect na gusto nya rin ako.

"Tara! Picture taking na!" pambabasag ni Rence sa katahimikan at saka inalalayan patayo si Yuki. Tumayo na rin sina Jill at Gabby, pati na rin si Mikko. Sumunod na rin ako at kinuha yung DSLR sa bag ni Gabby. Pumunta na sila sa isang spot at nagkanya-kanyang posing. Syempre, magkatabi yung mga lovers in forest. Mga bakulaw eh. Nandun naman si Mikko sa gilid, nakapamulsa habang nakayuko. Anyare dun? "Okay guys, one, two, three!"

Click!

Wagas namang makangiti tong mga to, except for Mikko. Paralyzed na ata yung mga nerves sa mukha nun eh. Muli ko silang kinuhanan. Mga adik sa picture. Si Mikko naman, nakabusangot pa rin. Kulang na lang, sumayad yung nguso nya sa sahig. "Smile ka naman dyan, Mikkoy!"

Inirapan lang ni Mikko si Yuki. "Oi Mikkoy, picture-an mo kami kasama si Sha! Dali! Dali!" saad ni Yuki habang tinutulak pa si Mikko. Nakakunot lang yung noo ni Mikko, habang papalapit sya sa akin. Hay naku. Bago pa ako makapagreact, hinablot na nya sa kamay ko yung DSLR at tinulak ako papunta sa kanila. Kailangan talagang manulak? Bangasan ko mukha ng mikrobyong to eh. Pumwesto ako dun sa gitna ng lovers. Talagang ipinapamukha na loner ako noh? Tadyakan ko sila diyan. "Ayan na! Ready na Mikko!"

Nakasimangot na kinuhanan kami ng litrato ni Mikko. Nag-iba kami ng poses pero bago pa ma-polish yung poses namin, pinicture-an na nya kami agad. Problem nun? Tapos pag nagpipicture sya, mga paa lang naman ata namin yung nakukunan nya. Ang gagi nun ah. "Ano ba naman yan, Mikko?! Ayusin mo naman!" sigaw sa kanya ni Jill.

"Tsh. Hindi ko alam kumuha ng litrato eh," sabi niya habang nakatutok ang mata dun sa screen nung camera. Nyak! Akala ko pa naman, expert sya sa art of photography? "Kung gusto nyo, turuan nyo muna ako. I am a fast learner."

Tinulak naman ako ni Gabby papunta dun sa pwesto ni Mikko. "Ayan na si Sha. Tuturuan ka nya."

Loading...

Connecting...

Magpout Ka Nga! (One-Shot)Where stories live. Discover now