Napatingin ako kay Tiara na nasa pintuan ko. May hawak siyang isang baldeng tubig.

Bigla ko siyang sinimangutan. "Ewan ko sayo Tiara. Ang sama mo talaga. Bespren ba talaga kita?"

Ngumiti siya. "Eto na nga't nagpapakabait pa akong gisingin ka eh! Che ka na nga!" sabi niya at sinarado ang pinto.

Tipid akong napangiti at tumayo na para maligo at magbihis.

Fudge. Monday na pala ngayon. Masyado akong nawili sa pagtulog.

Hello! Ako nga pala si Diane Nicole Perez! Isang Grade 10 student. Kung hindi dahil sa bagong kurikulum ay fourth year ang tawag sa amin ngayon.

 Ang seksyon ko ay ang mga paborito kong kulay. Neon. 10-Neon.

 Si Tiara ba? Siya ang aking bestfriend simula grade 1. Motto namin ay 'Kahit saan, walang iwanan' Dubah? May pamotto-motto na kami!

 Tiara Neavilla Ocampo ang buong pangalan niya. Siya lang talaga ang kinakausap ko dito sa school dahil snob ako. Hindi ako mahilig makipagkaibigan. Tama na sa akin ang isa lang.

Sabay na kaming pumasok ni Tiara sa eskwelahan. BTW, parehas kaming nakatira sa isang apartment na malapit lang sa eskwelahan namin.

Halata naman atang masyadong malayo ang house namin noh?

"Hoy Diane! Bilisan mo! Malelate tayo eh!" pag-angal ni Tiara kaya't nagmadali na rin akong sumunod sa kanya.

5 minutes away lang naman yung school namin kapag nilakad kaya hinding-hindi na kami nale-late.

"Oh, tamang-tama lang kayo ng dating! Bilisan niyo at baka ma-late pa kayo sa first subject niyo!" sabi sa amin ni manong guard.

"Sige! Salamat manong guard!" sabi ko bago kami magmadali ni Tiara sa pag-akyat papunta sa silid-aralan namin.

Nagulat ako nang may mabangga ako nang lumiko kami. "Sorry!" sabi ko kaso ni hindi ako tinignan ng lalake. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Nagtatakang tinignan ko lang siya papaalis ngunit bigla naman akong hinila ni Tiara.

"Bilisan mo! Kay bagal talaga oh!" angal niya.

Just in time lang kami nang makarating sa room. Kasabay lang rin namin pumasok ang unang subject teacher.

Yes! Nakahinga rin ng maluwag!

"Good Morning class. Mayroon kayong mga bagong kaklase ngayon. Pasok na kayo" sabi ng guro sa harap at sinenyasan na pumasok ang mga bagong kaklase daw namen.

Pumasok sa loob ng klase ang dalawang estudyante, isang babae at isang lalake. Nakangiti ang babae pagpasok habang nakasimangot naman yung lalake.

"Hello 10-Neon! Ako nga pala si Rizialen Sy Cruz. Masaya akong makilala kayo!" masaya niyang sabi. 

Natuon naman ang pansin namin doon sa isang lalake. Hindi siya kumikibo, bagkus nakatingin lang siya sa amin.

Kahit sinipa-sipa na siya nung babaeng kasama niya ay parang wala siyang pakealam. Parang sinasabi ng mukha niya na 'Wala akong pakealam kahit anong gawin mo'.

Mukhang nainis na yung babae kaya tinulak na lang niya sa tabi niya yung lalake.

"At siya nga pala si Renz Sy Cruz! Ang kapatid ko" pagpapakilala niya. Pinaupo na sila ng guro at hindi na ako nagtaka nang umupo sila sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ko.

Killer-killerWhere stories live. Discover now