Till I Met You 2

41 1 0
                                    

This Chapter is dedicated to: cristinequintanaKing:-D

"Mahal kung dilag." gulat na napatingin si Claire sa kanyang tagiliran ng may lalaking walang babalang hinawakan ang kanyang kamay. "Labis- labis ang bilis ng tibok ng aking puso nang ika'y aking masilayan. Kung iyong mamarapatin.."napatalon siya sa kinauupuan ng lumuhod ito sa kanyang harapan. Naramdaman niya rin ang pag-init ng mukha ng makitang halos lahat ng tao mapa-customer man o mga crew ay nakatingin na sa kanila. "Hayaan mong ialay ko ang aking puso sa iyo magandang dilag." kinikilabotan din siya sa mga pinagsasabi nitong parang galing pa sa panahon ni Rizal. "Sa buhay na wala ka ay tila isang malaking espasyo ang kulang. Ngunit sa pagdating mo labis na katuwaan ang aking naramdaman." palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa kanila ng akayin siyang tumayo ng lalaki at titigan sa mata ilang pulgada lamang ang layo sa kanyang mukha. Sasawayin niya na sana ito para tumigil na pero natigilan siya ng mabistahan ang hitsura ng suot nitong damit. Para itong character sa isa sa mga kwento ni William Shakespeare na si Romeo.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman dahil imbes na magalit sa kahihiyang ginawa nito ay hindi niya maiwasang matawa. Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang sariling mapahagalpak ng tawa. Ngunit hindi siya nagtagumpay na supilin iyon. "Kinilig ka?" bakas ang katuwaan sa mukha ng lalaki. "Nagustuhan mo ang pag-arte ko? It's convincing right?" tuwang- tuwa siyang kinabig nito at niyakap.

"Teka. M- mister.. Nagkakamali ka."Mabilis siyang lumayo mula sa pagkakayakap nito.

"My lady. Your my inspiration. Till our next......" pagbigkas nito sa isa sa mga linya sa libro ni Shakespeare. Kung paano ito kabilis na sumulpot ay ganun din ito kabilis na nawala sa harap niya.

"T-teka Mister. Nagkakamali ka ng iniisip." ang pagpoprotesta niya ay nauwi na lang sa hangin dahil nakalayo na ang lalaki.

"I'm sorry for the trouble he caused." hinging paumanhin ng lalaking nakasalamin ng makapal at may bitbit na itim na notebook. Awkwardness are all over his face. He vow down before he bolted out.

Muli namang nagpatuloy sa kani- kanilang ginagawa ang mga taong nakiosyuso sa nangyari kanina. Hindi pa rin siya makahuma ng maramdaman ang pagkalabit ng kaibigan.

"Sino ba iyon?"nagtatakang tanong ni Cath. "Gwapo sana kaso ang weirdo."

"Ang weird niya nga. Hindi naman sa pag-arte niya kaya ako natawa. Dahil iyon sa itsura niyang mukhang Japanesse na Romeo." nagmamaktol niyang sabi at naupo muli habang inuubos ang paboritong kape.

"Pero aminin mo kinilig ka di ba?"

"Anong ibig mong sabihin? Kinilig saan?" kunot- noong tanong niya.

"Doon sa ginawa ng gwapong lalaki."

"Hay naku. Gwapo nga mukha namang may sapak sa ulo."

"Sa tingin mo?" nagtatanong nitong tiningnan si Cath.

"Sa ginawa niya kanina hindi na kailangang itanong iyan." ani Cath.

"Parang ang layo naman ng hitsura noon sa taong may saltik. Basta ako malakas ang pakiramdam kung magkikita kayo ulit ng lalaking iyon.Kapag nangyari iyon isa lang ang ibig sabihin..."

"Siya ang ka-red string ko." balewalang pagpapatuloy niya sa sinasabi ni Angelie. "O siya hindi pa ba kayo aalis? Tapos na ang breaktime niyo."

"Ay oo nga pala. Tara Cath." nagmamadaling tumayo na ang dalawa.

Natatawang hinalikan niya sa pisngi ang dalawa bilang pamamaalam bago ang mga ito umalis para pumasok.

Binuksan niya naman ang kanyang laptop at mabilis na nagtype. Hindi siya nagbibiro sa mga kaibigan ng sabihin niya kaninang makakagawa siya ng istorya mula sa waiter. Dahil ngayon pa lamang ay marami ng mga nagsulpotang ideya sa kanyang utak. Mabilis niyang isinulat ang lahat.

Every Step AwayOn viuen les histories. Descobreix ara