‘‘And i’m sorry but YES, I am inlove with Gab Borromeo.’’

 

 

Umupo si Gab sa tabi ko sa kama.

Ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Tapos humiga siya sa kama, inuunan niya yung mga kamay niya.

‘‘Alam mo bang namimiss na kita?” Nakangiting nagpeek siya sakin.

Ba’t ba ayaw mawala ng ngiti sa labi niya? Nakakahawa e.

‘‘Namimiss mo ko? Araw-araw naman tayong magkasama a.”sabi ko sakaniya sa tonong natatawa. Nagpatuloy lang naman siya sa pag ngiti.

Then, natripan kong humiga sa chest niya and to wrap my arms around him.

Hmm… looks like I’ve missed him too.

Nagulat na lang ako nang iangat niya ang mukha ko at halikan ako.

Hindi na dapat ako nagugulat kung halikan man niya ko.

Pero nagulat ako. Kasi… Ang aggressive ng halik na yun.

Hiningal ako. Toinks.

 

At nang masatisfy matapos na siya, e tinawanan lang naman ako ng bonggang bongga.

Tapos tinitigan yung ceiling. Mas maganda na ata ang ceiling ngayon kesa sa byuti ko. Hehe.

“Alam mo… may isang tao na kinatatakutan ko ng sobra. Kinaiinggitan ko ng sobra.”

“Hmm? Sino naman?” he stroked my hair.

“Si Cian mo.” Natawa naman ako.

‘‘Si Cian? HAHA.’’ Tumayo si Gab sa pagkakahiga, nakaupo na siya. At siyempre dahil siya ang inuunan ko, malamang, nakaupo na rin ako.

‘‘Oo, si Cian. Naiinggit ako sakaniya. Minahal mo kasi siya at who knows? Baka mahal mo pa rin siya. Natatakot akong makuha ka niya sakin hindi ka pa man nagiging akin.” Gusto kong ngumiti. Kinikilig kasi ako. Hehe.

“Kung may itatanong ako sayo… sasagutin mo ba?” woah. What kind of question is that?

“di ko pa nga alam yung tanong e. HAHA.” Ngumiti lang siya.

Feeling ko…

Naiinlove ako sa kaniya sa bawat minutong nagdadaan.

“Well then… tell me…” pasuspense?

“Do you love me?” ngumiti lang ako. Wala naman sigurong ibang dahilan para hindi pa ko sumagot ng tama sa tanong na yan.

“Oo naman. Mahal kita.” Tugsh. Ang cheesy.

“Ok.” Tapos ngumiti siya. Pero iba ang ngiting ‘to. Ngiting parang pinipigil dahil…

Anytime e mageexplode??

And then ayun.

Tinakasan na lang ako bigla matapos marinig ang sagot ko sa tanong daw niya. HAHA.

Weird, huh?

Pero right timing rin naman ang paglabas ni Gab sa kwarto.

Sakto kasing nagring ang cellphone ko.

Tumatawag si mommy. Watta surprise!

 

‘‘Hello, Ma? I miss you so much!’’ inantay ko ang pagsagot ni mama pero wala akong ibang narinig kundi ang paghikbi niya.

“Ma? Umiiyak ka ba?” hindi parin nakapagsalita si mama. Patuloy lang ang paghikbi niya.

“Ma! You’re scaring me! What’s happening there?” this time, she managed to speak.

“Anak…” but she still couldn’t contain her cries.

“your dad…” nagsimulang magtayuan ang balahibo ko sa katawan as tears started to fill my eyes.

“Dad? W…what happened to my dad?”

I asked not quite sure kung gusto ko bang malaman ang sagot sa katanungang iyan.

But still I asked because I need to know.

“Your dad. He’s sick. He’s sick even before I got here. Hindi ko lang masabi sayo kasi alam kong masaya ka.” Naguilty ako. I’m such a bad daughter.

While my dad was suffering in England, I was here na hindi man lang iniintindi ang kalagayan niya doon.

“Anong sakit niya?” nanginginig ang boses ko sa bawat salitang binibitawan ko.

“Na stroke ang dad mo.” Biglang bumaba lahat ng pagtaas ng balahibo ko.

Biglang wala akong maramdaman.

“He’s in coma.”

 

And that’s it.

I felt the world upon my shoulders.

Tumutulo ang luha ko pero walang hikbong maririnig sakin.

Umiiyak ako pero walang reaksyon ang mukha ko.

Nasasaktan ako pero wala akong maramdaman.

Wala ring ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga salitang binitawan ng mommy ko.

Wala kong ibang maisip kundi ang katotohanan ng kalagayan ng daddy ko.

The next thing I know, my cellphone is on my hands and I was dialling a number.

“Hello? Cian?”

53.000 StepsWhere stories live. Discover now