"ok, sige po. magiingat po kayo."

maka ilang araw pang pina bantayan ni batchi ang mama ni jade at napag alaman din nya na hindi rin ito dumadalaw sa condo ng huli.

at pag si jade naman ang dumadalaw sa bahay ng ina ay saglit na saglit lang ito ngunit nagpapanggap na masayang masaya.


end of flashback




nakarating na sila ng moa at pinarada na ni batchi ang sasakyan sa bantang likod, katapat ng imax.


"tara, kain muna tayo. andun yung shoot, nadaanan natin kanina, sa bandang seaside. nakita mo ba?" tanong nya kay althea.


"sige, tara. dun tayo sa may 'tagaytay highlands steakhouse' sa taas para kita natin yung shoot mula sa balcony."


pailing-iling namang sumang-ayon sa kanya si batchi.



nang maka-upo na sila at lapitan ng waiter naunang umorder ang kaibigan.


"sa akin, isang rib eye steak with mashed potato and buttered vegetables. tsaka isang lemon iced-tea."


"ok po. sa inyo po?" tanong naman ng waiter kay althea na nakatingin lang sa location ng shoot sa ibaba nila.


"tsong, ano daw sa'yo?"


"althea!"



"uy may giraffe!" malakas na sigaw nito kay althea na nagpagulat sa kanya.


"ha!? saan?"


"ayan oh! ang haba ng leeg" sabay turo nito sa kanya. sabay tawa ng malakas pati ang waiter ay napatawa na rin.


"anak ng tinapa ka! ano ba kasi yun?"


"order mo daw!"


"porterhouse. tsaka side dish. ikaw na bahala, batch. putcha naman oh, hindi ko nga makita e. tabi ka kasi dyan." sabay hawi nito sa kaibigan na nakatalikod mula sa location ng shoot.


"ang harsh! sige katulad na lang din nung sa akin."


"ok po." sagot ng waiter at nagmadali na itong umalis para kunin ang orders nila.


"tsong, kausapin mo naman ako. nung nasa canada ka, panay ang utos mo sakin na iistalk yan si jade. e kung dined madela din kita non katulad ng ginagawa mo sa'kin ngayon, ano kayang mararamdaman mo?"


natawa naman si althea sa tinuring ng kaibigan sabay tingin dito.


Stay with meTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang