Chap.02: Ms. Energetic

80 3 1
                                    

#Milles

"Ate Milles saan ka pupunta ngayon?" Tanong ni Marlou

"Mall." sagot ko habang nagsisintas ng sapatos.

"Anong gagawin mo doon Milles ?" tanong naman ni Marlon

"May bibilhin."

"Sama kami ni Marlon, Ate Milles!" Sabi ni Marlou sakin.

"No. No. No."

"Pero Ate---!"

"Ma. Alis muna ako!!" at tumakbo na ako palabas ng bahay namin.

Ako pala si Milles De Silva. Yung kausap ko kanina mga younger bro ko ang mga iyon sina Marlou at Marlon De Silva. Actually, si Marlon ang sunod sakin, bunso si Marlou. Cool right ??

Pupunta ako sa mall, manonood ng sine kasama mga kaibigan ko. Well, pumayag naman si Mama eh. Nasa may shakey's sila kumakain. Pagkapasok ko agad ko silang nakita.

"Hoiii!!!" at umupo ako sa tabi ni Venice

"Oh? Kumain ka muna Milles" sabi naman ni Michie sakin

"Sakto. Gutom ako."

"Gutom ka naman palagi" sabi pa ni Sheryl

"Psh. Sasama nga sina Marlon at Marlou kanina. Mabuti nalang at natakasan ko."

"Pinayagan mo nalang sana." Sheryl

"Yeahh! Miss namin kapatid mo!" Michie

"Makulit yung mga yun!"

"Mana sayo" Venice

kumakain ako ng pizza.

Sila pala barkada ko. si Venice Chan, Michie Scott, at Sheryl Cruz. Nagplano kasi kaming magbarkada na manood ng sine ngayon.

~~~

Kakagaling lang naming bumili ng snacks, tapos narin kaming bumili ng ticket, pagkatapos pumasok na kami sa sine.

Umupo na kami. Omayghad! Ang ganda talaga ni Kathryn. Kumakain ako ng popcorn.

"Omaygash! Gurl! Si DJ!! Gwapo niya" tili ni Michie

"Asawa ko yan noh." sagot ko.

"Feeler."

"Basta akin lang si DJ"

"Miss, pwede tumahimik ka ? Ang ingay mo kasi." napalingon ako sa katabi ko.

(*.*) Ahy, nakabonnet ?? Sungit sungit niya. Bahala ka sa buhay mo.

"Sungit"

"Baliw"

"Aba't---"

"Zen tumahimik ka na lang" saway ng lalaki na katabi ni Sungit

"Kainis kasi, ang ingay ingay." pikon niyang sabi at nanonood ulit.

"Pikon" bulong ko.

"Gusto mo ba ng away ?" tanong niya

"Hindi. Pagkain gusto ko bakit ? Bibigyan mo ako?"

Tumahimik nalang siya. Yan kasi eh.

Fixing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon