Hindi ko alam pero baka pag nakita ko ngang nangbabae siya baka masampal ko siya. Urgh! Ngayon palang parang nangigil na 'ko sa inis! Nag tiwala pa naman ako sa kanya, langya siya.

Nang makarating ako ng Club, pinark ko lang 'yung kotse ko tsaka ako bumaba. Bago ako pumasok dinaial ko muna 'yung number ni Miks. Ilang sandali lang sinagot na niya.

"Nasaan ka na?" Tanong niya.

"Nandito na sa parking, nandyan pa ba si Jacob?"

"Yup! Nandito pa, palihim ko silang pinagmamasdan para 'di niya 'ko makita. Puntahan mo 'ko dito, bar station."

"Sige." Ibinaba ko na 'yung tawag ko. Sinimulan ko na ang mag lakad papasok ng Club na may kasamang pagmamadali. At dahil sa pagmamadali kong 'yun may nakabangga akong tao pero di ko 'yun pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad. Pero bigla akong napahinto sa paglalakad ng biglang may humila sa braso ko para pilit na paharapin sa kanya isang mukhang lasing na lalake ang gumawa nun.

"Miss wala ka bang mata?" Tanong niya.

"Meron hindi mo ba nakikita?" Pabalang kong sabi. Nakaka-bwiset 'yung mga ganyang tanong eh. Ta-tanong-tanong pa eh nakikita namang meron.

"Mag sorry ka!"

I rolled my eyes. "Edi, sorry!" Napilitan kong sorry. Tumingin siya sa'kin mula ulo hanggang paa in a very manyak way.

"Sige, papatawarin kita pero halikan mo 'ko."

Pilit kong hinila yung braso kong hawak niya para bumitaw siya. "Ang kapal ng mukha mo! Ni hindi ka nga gwapo para halikan."

Plano niya sana ulit akong hawakan sa braso pero may biglang pumigil sa kanya sa pamamagitan ng pag hawak sa wrist nito. Tumingin ako sa gumawa nun at medyo ikinagulat ko na ang makita ay si Scott Constancia ang schoolmate namin ni Miks na rich kid/ playboy. Kilala ko siya dahil slight popular siya sa school kasi lahat na ata ng maganda sa school na i-date niya at syempre dahil talaga namang gwapo siya. Nakadagdag ka-hotness-an daw sa kanya 'yung hikaw nito sa lower lip niya.

"Back off! She's with me!" Scott warned. Patapon niya binitawan sa pagkakahawak 'yung lalake tsaka din naman nag lakad palayo sa'min. Haay! Buti nalang dumating siya, kung hindi baka binastos na 'ko nun.

"Are you okay, sweetie?" Tanong sa'kin ni Scott. Hindi ko na pinansin 'yung pag tawag niya sa'kin ng Sweetie dahil tinulungan naman niya 'ko.

"Yah."

He showed me his smirked. "What's your name?"

"Korra."

He offered his hand. "I'm Scott." Pagpapakilala niya.

"I know you."

"Really?"

"Yah! We're in the same school."

"I see." He said nodding.

Ngumiti nalang ako ng pilit tsaka aakma na sanang mag lakad palayo pero bigla naman akong pinigilan ni Scott. "Bakit?" Pagtataka ko.

"I think you're cute. Gusto mong-"
Hindi ko na pinatapos 'yung sasabihin niya at hinila 'yung braso kong hawak niya tsaka nag lakad papuntang Bar Station. Ayoko na din naman marinig pa 'yung pangbobola niya, wala akong panahon dun.

Tulad ng sabi ni Miks, nasa Bar Station siya nakita ko siya dun. Lumapit ako sa kanya at pagkatabi ko napa tingin siya sa'kin. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.

"Mahabang istorya. Nasaan sila?"

Lumingon siya sa ride side niya kaya ganun din ang ginawa ko. "Sa bandang dulo." She said.

Hinanap siya ng paningin ko and presto na-lock ang paningin ko sa boyfriend kong may ka-akbay na babae at nakikipag tawanan pa dito. Hinahalikan din siya nung girl sa pisnge nito at sa labi. Fuck!! Totoo nga! May babae siya! Walang hiya siya!

Kinuha ko 'yung iniinum ni Miks na beer at tinungga ko 'to kahit na hindi ako umiinum. "Hoy! Anong ginagawa mo?" Pag suway sa'kin ni Miks sabay agaw nung beer.

"Nag-iipon ng lakas ng loob para sugurin ang malandi kong boyfriend!"

Sinimulan ko ng maglakad papalapit sa dalawa, punong puno ng inis at galit ang tingin ko sa dalawa.

Napatayo sa pagkakaupo niya si Jacob nang makita ako, halata namang gulat siya kitang kita 'yun sa facial reaction niya.

"B-Babe-" Hindi niya natapos ang pagsasalita niya dahil bigla ko siyang sinampal ng ubod ng lakas.

"Babe mo mukha mo! Break na tayo! Walang hiya ka!" Tumalikod na 'ko at sinimulang mag lakad palayo sa kanila. Narinig ko pang tinawag niya 'ko pero hindi ko 'yun pinansin, nag patuloy lang ako sa paglalakad kasi nararamdaman ko ng nag babadyang tumulo 'yung mga luha ko pero ayaw ko namang ipakita sa kanya na iiyakan ko siya.

Langya! Ayaw na ayaw ko talagang nakakaramdam ng mga ganitong emotion eh. Nakakairita!

"Babe!" Dinig kong tawag ulit niya sa'kin pero 'di ko ulit pinakinggang 'yun at nag patuloy sa paglalakad lalo na't naramdaman ko ang pag sunod sa'kin ni Jacob. Hanggang sa nakita kong pasalubong na tila palapit sa'kin si Scott.

Nang magkalapit kami, he was about to speak pero di natuloy dahil hinila ko 'yung collar ng polo shirt niya at hinalikan siya sa labi. Ikinagulat niya 'yun syempre. Maski naman sino kung hahalikan mo bigla, talaga namang magugulat.

Bumitaw ako sa paghalik ko sa kanya at nilingon bahagya 'yung babaero kong boyfriend- teka! ex. na pala ngayon. Kita sa mukha niya ang gulat sa pag halik ko sa lalake, bakit dapat ba siya lang ang humalik sa iba? Akala ba niya hindi ko 'yun kaya? Ha! Feeling ko tuloy naka ganti na 'ko sa pangbabae niya.

Biglang hinawakan ni Scott ang magkabila kong pisnge and this time siya naman ang humalik sa'kin at this time ako naman ang nagulat.

Shit!

Iba ang halik na binigay ko sa halik na binibigay ngayon ni Scott. 'Yung halik niya nag re-request na mag respond. Shemay! Pag hindi ako nag respond baka bigla naman akong mapahiya kay Jacob, ang lakas pa naman ng loob ko na manghalik ng lalake tapos 'di ko paninindigan. Pambihira! Bakit kasi si Scott pa 'yung hinalikan ko eh?

Bahala na!

I hesitantly put my hands on his waist and kissed him back.

Itutuloy....

Keep voting ☆
MLL

I Kissed The Playboy..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon