Papunta kami ngayon sa Bahay ng Lagim. Basta, alam niyo yung parang Horror Booth. Tapos yun. Siyempre, pagkapasok namin sa loob, nung una, si Denise e nakangiti pa. Tapos, pag may lumalabas, tumatawa lang siya. Pero siyempre mahigpit yung hawak niya sa kamay ko. Hehe. Hindi naman masyadong matatakutin si Denise, kaya nakalabas kami ng payapa.
Pagkalabas namin, nagulat ako sa ingay, may umiiyak na bata. Si Denise, nagulat din, pero pinuntahan namin yung bata. Naawa ako dun sa bata e.
"O, bakit ka umiiyak?" tanong ni Denise dun sa batang lalaki.
"H-hindi ko po m-makita si M-mama..." sabi nung bata habang umiiyak. Nawawala siya, malamang. Kaawa naman. Tsk, pasamahin ko na kaya.
"Sige, tahan ka na. Andito na si Kuya Drei. Hmm? Tara, kain tayo ng ice cream!" nginitian ko siya, sabay tingin kay Denise at binigyan siya ng okay-lang-ba look. Um-oo naman siya, kaya dinala namin yung bata pakainin ng fried chicken.
"Hmm, Kuya Drei, salamat po aa... Pero, miss ko na po si Mama..."
"Nako, hahanapin natin yun Baby Jake!" sabay sabi ni Denise.
"Oo nga Jake, wag kang mag-aalala promise namin ni Ate Denise makikita mo na si Mama mo,"
"Hmm, Kuya Drei *eats chicken* are you in a relationship with Ate Denise?"
PUTIK. Lagpas strike three na tong araw na to! Ugh.
"Ah, Hindi eh/Nope" sabay naming sabi ni Denise.
"H-hala... H-hindi po kayo magboyfriend-girlfriend? *cries* T____T" sabay umiyak nanaman tong si Jake.
Grabe tong bata to a, bata-bata pa lang issuero na. Bwiset. Haaaay. Nakakahiya naman kay Denise. Pero siyempre, kawawa naman si Jake, kahit na madaldal tong batang to, gusto ko siyang samahan hanggang sa makita siya ng nanay niya kasi alam ko ang pakiramdam ng namatayan ng magulang.
Chapter 16: That Date Part 2! ^^
Start from the beginning
