"Huh?"
"Wala. Tara na, marami-rami pa tayong rides na sasakyan."
At siyempre, baka makahalata na siya. Pero... Teka. May naisip ako. Bakit, iniisip niya pa rin si Guardian Angel niya? Kung, sila nanaman ni Shaun? So pag sinabi ko ba na ako yung Guardian Angel niya, iiwan niya si Shaun para sakin? Kasi, diba napanaginipan niya pa si Guardian Angel? O baka, namimiss niya lang as a friend? Hay, bakit ba bigla ko tong naisip e makakapagpalala lang to ng relasyon nila ni Shaun. Eh kung itanong ko kaya kung pano sila nagkita ni Shaun? Hay. Wag na nga, baka mamaya sabihin niya nanghihimasok ako.
"Drei! Yoohoo? Sakay tayo dito sa teacups na umiikoooot. Sigi naaaaa~"
"S-sige, tara na!"
At sumakay kami sa mga umiikot na teacups. Tsk, puro couples yung mga tao dito. At may kinakain silang... NUTELLA CAKE?!? Teka. Yun ata yung eat-while-you-ride buffet. Hay, nagsisi tuloy ako, sana kinuha ko na yung offer.
"Hmm, Drei, salamat talaga aa."
"The pleasure's mine."
At yun. kung anu-ano pang rides ang sinakyan namin. Kumain ulit kami ng ice cream, pero buti naman magkahiwalay kami at sa plato nakalagay. Hehe.
Buti nga nagkasya yung allowance ko dun sa mga pinaggagawa namin ngayon. Kasi, hindi ako humihingi kay Tito. As much as possible, yung mga kinikita ko from the Bistro at other gigs ang iniipon ko. Nakikitira na nga ako sakanya, tas, hay. Tas may gusto pa ako sa girlfriend ng anak niya. DARN.
Ayun. Umulit pa kami sa roller coaster, at kung anu-ano pa ang nangyari. Gaya nito.
"Drei, dalian mo, sayang oras!"
"Haha, sandali lang, pag ikaw naman lalabas jan, iiyak-iyak ka..."
Chapter 16: That Date Part 2! ^^
Start from the beginning
