At pagkapunta ko dun, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Oh no not again.
"Denise?!? Denise?!? Nasan ka?" tumakbo ako sa mga malalapit na tao.
"May nakita po ba kayong babae, mga hanggang balikat ko, tas maputi siya..." para akong tangang tanong ng tanong sa mga tao dito sa amusement park. Tapos, bumalik ako malapit sa comfort room. May souvenir Shop pala dun. Pumasok ako, at yun.
Hanggang sa nakita ko rin siya sa wakas.
(Denise's POV)
Ang cute naman ng G-clef necklace na toooo. Kainis. Kaso, couple necklace siya, may kasamang F-clef. Tama! Papasalubungan ko si Shaun ng- hay, Shaun, naalala nanaman kita. Alam mo ba, nakakaasar ka. Buong araw mo na lang ako di pinapansin. Text man lang na busy ka, maappreciate ko. Kaso. Wala e. Buti nga andito si Guardi- bakit ko ba parating napagkakamalang si Drei si Guardian Angel? Ugh.
Omoooo. Nako, baka hinahanap na ako ni Drei, di man lang ako nakapagpaalaaaaam. Ohno. Malamang-lamang hina-hunting na ako nun. Pero, pagkatingin ko sa kanan ko,
"Drei! O, anjan ka na pa-"
And he hugged me. Walang pasabi naman to. Bigla niya na lang akong niyakap.
"Denise, wag mo ng uulitin yun a, nag-alala ako, sobra..."
"OA naman tong si Drei! May nakita lang akong couple necklace dito sa souvenir shop, tsk"
"Kahit na ba... I can't bear to lose you..." tas may binulong pa siya na hindi ko maintindihan.
"Huh?"
(Drei's POV)
"I can't bear to lose you...Again..."
Chapter 16: That Date Part 2! ^^
Comenzar desde el principio
