At katulad ng inaasahan ko, wala na naman masyadong tao sa library. Mayroon mang iilan, nagkukwentuhan lang naman. Halatang-halata na pagtambay lang ang ipinunta dito. Pumunta ako sa paborito kong sulok, sa likod ng bookshelves, malapit sa bintana. Tago kasi 'yung lugar na ito, kaya paborito ko. Nakakatulog ako dito nang walang gumagambala sa akin.

Pero hindi pa man lumalalim ang tulog ko, may narinig na akong bulungan sa bandang kanan ko. Hindi ko na dapat papansinin, pero may masamang pakiramdam ako sa pinag-uusapan nila.

"Hoy ihanda mo na girl. Ayan na siya girl, malapit na siyang dumaan dito. Ibuhos mo na 'yan!!!"

"Paano kung mabagok siya? Sigurado ka ba dito? Baka naman mapahamak din tayo kapag may nangyari sa kanya? Paano kung mapatay natin 'yan?"

Napadilat ako saka hinanap 'yung mga nagbubulungan. Nakita ko sila doon sa likod ng bookshelves sa kabila nitong sinasandalan ko. Luminga-linga ako para hanapin 'yung taong pinagpaplanuhan nilang gawan ng kung ano.

"Sigurado ka ba'ng hindi 'to ganoon kadulas?"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nung makita ko si Sadako mula sa hindi kalayuan. Nag-aayos siya ng mga libro, at walang kaalam-alam tungkol sa pupuwedeng mangyari sa kanya.

"Oo sabi eh! 'Wag ka na ngang tanong nang tanong. Akong bahala sa'yo, kaya ibuhos mo na 'yan habang nandoon pa siya. Dalian mo"

Anong gagawin ko? May dapat ba akong gawin? Sinong pupuntahan ko? Hindi ko alam kung sino ang dapat kong lapitan... kung si Sadako ba o 'yung mga babae'ng nagtatangka sa kanya?

Pero ano bang pakialam ko sa walang-utang-na-loob na babaeng iyon? Eh kung makapag-salita siya palagi, parang kayang-kaya niya na 'yung sarili niya. Mamaya masisi na naman niya ako kapag pinakialaman ko siya.

Pero hindi rin naman ako patatahimikin ng konsensya ko oras na may mangyari kay Sadako, dahil wala akong ginawa. Baka ako pa ang una niyang multuhin, edi nagulo na naman ang araw-araw kong pamumuhay.

Palapit na sana ako doon sa dalawang babae, pero bago pa man ako makakilos naging mabilis na ang mga pangyayari. Naibuhos na nung babae 'yung laman ng garapon na hawak nung babae... At nakatapak na rin si Sadako sa basang bahagi nung sahig.

"Waggggggggggg!" sigaw ko habang pilit na inaabot siya. "Woooooooah!!!"

Napapikit ako nung pakiramdam ko gumuho 'yung bookshelves sa paligid namin. Nasalo ko siya, pero hindi ang mga natumbang bookshelves.

"ANONG NANGYAYARI DITO!?"

Naku, tinamaan pa ng magaling! Puro kamalasan lang talaga ang hatid sa akin ng babae na ito. Bakit ko ba kasi dinadawit ang sarili ko sa kanya...

Oh ano, Sadako? Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Patay na tayo sa librarian nito.

"YOU TWO! SA GUIDANCE OFFICE, NGAYON NA!"

Hindi ko na ikinagulat ito. Sanayan na lang talaga. Hindi na ako dapat magulat na mapa-trouble sa tuwing makakasama ko ang babaeng ito. Kung bakit ba naman kasi nakialam pa ako. Nananahimik na nga lang ako doon sa gilid, nadamay pa ako! Ano bang nangyayari sa akin? Masyado nang gumugulo ang mga araw ko.

Dahil sa nangyari, kailangan naming pagtulungan ni Sadako ang pag-aayos nung mga bookshelves na natumba. Pati 'yung mga libro na ang kompli-komplikadong ayusin, kami din ang kailangang trumabaho. Samantalang 'yung dalawang babae naman kanina ang may kagagawan nito.

"Kasalanan mo 'to eh!"

Nagulat ako nung bigla akong kausapin ni Sadako, matapos niyang sabihin sa akin kanina na huwag ko siyang kakausapin kahit na anong mangyari.

Isang segundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon