CHAPTER 231 : TORMENT

Comenzar desde el principio
                                    

Natigilan siya sa sinasabi nang tingalain ko siya. "So I'm in this alone?"

Nakita ko ang paglunok niya. "Yes, because I am leaving you. You're all alone now. You have to go on with your life like there was no Maxpein. Keep on going on like there is no Maxpein. Because there'll be no more Maxpein." Sinabi niya iyon nang hirap na hirap sa pagpipigil, pilit na lang pinagmumukhang maangas ang sarili. "This is your last separation from me, Deib Lohr." Minsan niya pa akong tiningnan sa mga mata bago ako tuluyang tinalikuran.

"Taguro..." Iyon na lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

"Deib Lohr." Nangibabaw ang pagtawag ni Chairman. "Come down here now."

Hindi ko siya nagawang lingunin agad. Ang paningin ko ay napako sa pinto kung saan pumasok si Taguro. Sa daan na gano'n kadaling tinahak ni Taguro papalayo sa 'kin. Hindi ko nagawang alisin agad ang paningin ko sa dilim na 'yon kahit pa wala na akong maaninag na kahit na ano. Kahit pa nakasisiguro ako na sa sandaling iyon ay hindi na talaga ako babalikan pa ni Taguro.

Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. Basta na lang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Naging gano'n din kabilis ang mga kamay ko para pahirin 'yon. Ang isip ko ay hindi mahinto sa pagtatanong kung paano naging gano'n kadali para sa kaniyang iwan at talikuran ako. Nasasaktan ako, at hindi ko na 'yon masukat pa ngayon.

Dahil sa sandaling iyon ay ipinaramdam sa 'kin ni Taguro na hanggang doon na lang ang pag-asa ko.

"Deib Lohr," muling pagtawag ni Chairman. Batid kong nakalapit na siya sa 'kin.

Pinahid ko ang luha ko saka siya nilingon. "Chairman," hindi ko magawang tagalan ang tingin niya.

Pinilit kong ngumiti para itago ang tunay kong nararamdaman. Ayaw ko 'yong ipakita. Pero agad na sumilip ang namumuong luha sa magkabilang gilid ng mga mata ko.

Naramdaman kong nakatitig siya sa 'kin. Pero hindi ko siya kaya pang lingunin. Naramdaman ko ang mas marami pang paningin na nakatuon sa 'kin. Pero ang mata ko ay walang ibang hinahanap at nakikita kung hindi si Taguro. Puro si Taguro. Lahat ay si Taguro.

Gusto ko siyang habulin. Hindi ko matanggap na hanggang doon lang ako. Pero hindi ko alam kung paano. Masyado akong naduduwag dahil pakiramdam ko, lahat ng kilos na gagawin ko ay maaapektuhan siya. Lalo siyang mahihirapan at mapaparusahan.

Nag-angat ako ng tingin nang magsalita ang isa sa mga hukom. Tiningala ko sila, at kahit pa gano'n kabigat ang tingin nila sa 'kin ay hindi nagbago ang nararamdaman ko. Ang siyang nasa unahan ay nagpatuloy sa pagsasalita habang nakatingin sa 'kin. Batid kong sa tono ng pananalita niya ay nag-uutos siya.

Wala akong naintindihan sa mga sumunod pang sinabi nila, wala rin akong balak na intindihin ang anuman sa mga iyon. Naghahalo-halo ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako, natatakot, nalulungkot, nasasaktan, at kung ano-ano pa.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang isa-isang magsipagluhuran sa isang tuhod ang mga naro'n. Mula sa mga tao sa itaas hanggang sa mga naro'n sa 'baba, ang lahat ay nagsipagyukuan sa 'kin. Nagugulat, nagtataka, nakamaang kong iginala sa lahat ang paningin ko. Bagaman nakatayo, maging ang mga hukom at pamilya ng Moon ay mababaw na tumango saka deretsong tumingin sa 'kin.

What the hell... Pakiramdam ko ay umurong ang mga luha ko, gano'n din kabilis na nagbago ang emosyon ko.

Nilingon ko si Chairman Enrile na noon ay kunot na kunot ang noo at nakatungo. Napapailing akong tumingin sa kaniya. "What's going on?" pabulong na tanong ko pero nando'n ang diin. "Bakit nila ginawa 'yon, Chairman?"

Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko ang mga Moon. Walang mababasang emosyon sa kanila, ang natural na hitsura ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Lahat sila ay seryoso. At hindi ako makapaniwala sa nababasa ko sa kanilang mga mata. Kakila-kilabot ang paghanga na noon ko lang nakita.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Donde viven las historias. Descúbrelo ahora