We Broke Up

25 1 0
                                        

This is my second short story. Hope you'll like this guys. Salamat po :)
-----

"Sorry talaga Jane."

"Pucha naman Paul. Binigay ko naman lahat! Di pa ba sapat?"

Nakakainis! Nakaka-imbyerna! Nakaka-ewan! Ganon-ganon na lang? Dalawang taon ang basta niya na lang itatapon? Dahil sa ano? Dahil sa hindi ko din alam kasi wala siyang maibigay na dahilan sa akin.

"It just turned out like this. I woke up one day and realized I don't love you anymore. I can't even exp..."

"Lintik! 'Wag mo nga akong ini-english-english at 'wag ka ring trying hard. Ang pangit ng accent mo at hindi rin bagay sa'yo. At sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mong panget ka, ha? Bakit di mo na lang ako deretsahin na may mahal ka ng ibang babae at nagsawa ka na sa'kin?!"

Naiiyak na ako. Ay mali, kanina pa pala ako umiiyak. Sobrang sakit lang kasi talaga. Bakit kasi ang dali lang sa kanyang iwan ako ng ganito? Hindi niya na ba talaga ako mahal?

"Alam mong hindi totoo 'yan. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng ibang babae, alam mo 'yan Jane."

Totoo iyon. Napaka-isnabera kaya ni Paul sa ibang mga babae. Kaya nga marami rin noon ang nagulat nang malamang may girlfriend na s'ya e.

"Eh bakit ba kasi, ha? Kainis!"

Pagpupumilit ko sa kanya pero wala talaga akong maikatas mula sa mokong na 'to.

"Hindi na kita maha..."

"AAAAÀAAAAHHHHHHHHH!!!"

Mukha na akong tanga rito kanina pa. Pero dahil ayokong marinig kung anuman iyong susunod niyang ililinya, tumili ako ng sobrang tining. Iyong tipong mapapatid na ang litid ko. F*ck! Nilakas ko pa lalo.

"AAAAAAAAHHHnffcgshwuwqkqxxdnsj-----"

Tinakpan ni Paul ang bibig ko para matigil ako sa ginagawa ko. Ang lakas niya kaya 'di ko matanggal 'yong kamay niya mula sa pagkakatapal sa bunganga ko.

"Ano ba 'Jane? Ano bang ginagawa mo? Para kang ewan e. Hindi na nga kasi kita mahal. Sana tanggapin mo na lang 'yon. Tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang tayo. Alam ko makakahanap ka ng lalaking mas magmamahal sa'yo, ng lalaking better o the best para sa'yo. I'm really sorry Jane kasi hindi ako 'yon. Sor...."

Hindi ko na ata kaya pang pakinggan 'yung nga susunod niya pang sasabihin sa'kin. Tinulak ko siya nang pagkalakas para mailayo s'ya sakin. Pero imbis na tumili ulit, tumakbo ako palayo. Tumakbo ako habang sunod-sunod ang agos ng mga luha galing sa mga mata ko.

Lintik na yan! Ang sakit-sakit palang masaktan. Teka, tinutusok ata ng karayom itong puso ko. 'Yung sakit, parang wala nang katapusan.

Akala ko magde-date kami. Akala ko dadalhin n'ya ko sa isang romantic na lugar. Kahit kailan hindi pa namin nagawa iyon. Ni minsan hindi pa n'ya ako inaya sa mga ganoong lugar. Pero kahit ganoon, hindi naman ako nag-insist. Kahit kailan hindi ako nagpabebe.

Sa totoo nga lang, mas pabebe pa s'ya sa'kin e. Bakiiiiiiiit? Paul Marquez tell me why.

---

Maghapon-magdamag lang akong nagkulong sa kwarto ko. Ayokong kumain o kahit lumabas dito. Pakiramdam ko ayoko nang mabuhay pa. Mahal na mahal ko si Paul, sobra pa sa sobra. Second boyfriend ko s'ya. Pero s'ya 'yung first love ko.

Nagbukas ako ng FB at bibisitahin ko ang profile n'ya. Gustong-gusto ko s'yang makita.

Wait... Bakit hindi ko mahanap ang fb n'ya? Don't tell me...

He blocked me. Waaàaaaaa! He blocked me. He blocked me. Bakit? Ano na naman 'to?

Nawalan na talaga ako ng pag-asa. Wala e, blinock n'ya na ako. Paano na 'to? Bitter ba s'ya? Pero di ba dapat ako ang bitter kasi ako 'tong iniwan n'ya. Ako 'tong wasak na wasak ngayon. Ako tong....

We Broke Up (One Shot Story)Stories to obsess over. Discover now