Chapter 10

43 6 0
                                    

NANG makapahinga si Dave buhat sa school agad niya itong niliguan. Alas kwatro na ng hapon ang labasan nito. Quarter to five na usually ito dumarating sa kanilang bahay. Sinabihan niya si Mang Ramon ang family driver ng pinsan niya, na six na sila sunduing mag-ina. Tumango lamang ito bilang pagsangayon.

Isang oras ang nakalipas ganap na alas sais na ng gabi, tamang narinig nilang mag-ina ang busina ni Mang Ramon na dumating na ito. Mabilis si Dave na lumabas ng masigurong ito na nga ang sundo nila. Bakas sa mukha nito ang pagiging excited ng mga sandaling iyon. Alam niya gustong-gusto nito sa bahay ng Ate niya, kasi nga meron itong kalaro, kahit sinong bata naman, nag eenjoy lalo't pag may kalarong bata ring kasama.

Ilang minuto pa ang lumipas nasa tapat na sila ng bahay ng kanyang pinsan. Tanaw sa labas ang pag-iihaw ni Tricia ng mga hotdog, barbeque, at adidas ng manok. Malawak ang bakuran ng Ate niya, hindi niya napigilan si Dave na lumabas agad ng makapasok ang sasakyan sa garahe agad na lumabas at nagtatalon ito sa tawa ang kanyang anak. Mabilis naman silang sinalubong ni Tricia at Tyron.

"Hello Tita..." kasabay na humalik ito sa kanyang pisnge, sumunod rin si Tyron sa nakakatandang Kapatid nito.

             "Ang puti-puti mo Tita..." Bakas sa mukha nito ang ingit. Likas kasing morena si Tricia, namana nito ang kulay ng morenong ama. Naintindihan niya ito, lalo't nagdadalaga na, diba nga halos sa mga ganoong edad nade-develop ang pagiging banidosa ng isang babae.

"Hmm ikaw talaga, ikaw nga rin ang ganda-ganda mo...lalo na ang kulay mo." Pangaalo pa niya rito.

"Mas gusto ko Tita ang maputi keysa sa morena."

"Ano ka ba, be thankful to god dapat sa kung anong binigay sa atin, at dapat maging proud ka, taglay mo ang kulay ng isang pilipina." Pangaalo niya rito.

"Hmm kahit na, mas gusto ko kung maputi ako.."

"Okay s'ya...s'ya.. nasaan ang Mommy mo?"

"Nasa loob po, paki puntahan na lang po si Mommy."

"Okay dito muna kayo, paki tingnan-tingnan si Dave ha, baka lumabas ng gate." Bilin pa niya sa kanyang magandang pamangkin, ng makuha niya ang sagot nito, iniwan na niya ang mga ito at tinungo ang kanyang pinsan.

"Hello Ate.." agad silang nagbeso-beso ng madatnan niya itong nakaupo sa Living room, parang siya talaga ang hinihintay nito.

"Halika dito tayo.." yaya nito sa kanya, sabay abot sa kanya ng dyaryong local. Na agad niya namang tinangap.

"Ano ito?" Nang tingnan iyon at abutin. Hindi nito sinagot ang tanong niya, bagkos parang kinakabahan siya.

"Baka meron kang gustong ikwento sa akin, at kung gaano ba katotoo ang nasa dyaryong iyan. Mabuti na lang binigay sa akin ng Kuya Joel mo agad ng mabasa niya ang pahinang naglalahad sa inyo ni Bernard. Kundi huli na naman ako sa latest." Nakuha pa nitong magbiro, habang nginunguso nito ang dyaryong hawak na niya.

Sinasabi na nga ba niya tama ang kutob niya. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon nagkulay suka ang kanyang mukha. Hindi niya akalain malalaman kaagad ng kanyang Ate, hindi pala niya basta-basta maitatago rito, bagkos nadyaryo pa siya. Sa bagay hindi ordinaryong tao ang kinasasangkutan niya.

"A-Ate... God hindi ko alam kung papano sisimulan, nakakahiya.." Nags-stammer na sabi niya rito habang binubuklat ang dyaryo.

"Its okay, kwento mo na lang." Inagaw muli nito sa kanya ang pahayagan. Nakangiting sabi nito. "Saka walang masama roon, dalaga ka binata si Bernard, so 'wag ka na magdalawang isip pa. Kilala kita Mitch once na na inlove ka, kung hindi ako nagkakamali apat na araw pa lang nakalipas ng mag- meet kayo ni Brnard dito." Tukso pa muli nitong ikinapula niya.

Take A Chance (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang