'Hindi matatawaran ang ngiti ng ating mahal na ama ng bayan na si Mayor Bernard Sebastian ng magbigay ito ng inspirational talk kagabi, kitang-kita sa anyo nito ang pagiging maligaya sa piling ng childhood sweetheart nitong Ms. Apples Chinedo na kamakailan lang dumating from Las Vegas. Marami sa mga mahal nating Davanuenio, ito na ang pagkakataong hinihintay natin na magkaroon ng Ina ang ating Bayan sa pangunguna ni Ms. Apple Chinedo. Sa tagal ng pananahimik ng Love life ng ating mahal na Mayor, ito na ba ang magiging daan sa pagkakaroon ng First Lady ang Davao City. Aantabayanan natin kung ano ang magyayari sa buhay pag ibig na ating Mahal na Mayor. Just stay with us.'

Kasabay niyon wari'y mo'y napiga ang kanyang dibdib sa mga sandali iyon sa kanyang narinig. Kaya naman pala na nakalimutan na siya nito, meron palang nag mamay-ari rito. Tanga ka kasi masyado kang tiwala agad, panunumbat niya sa sarili.

NAKAPAG relax siya ng husto, naging maganda ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon halos walong oras ang itinagal niya sa loob ng spa, pinamper niya ng husto ang kanyang sarili. Minsan lang siya mag relax kaya minabuti niyang enjoy niya ang reward niya sa sarili.

Nagpapedicure at manicure siya, nagpafacial na rin siya at nagpamasahe siya ng husto. Nag pa cellophane na rin tuloy siya ng kanyang buhok. Pakiramdam niya ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Feeling niya new reborn siya she feel fresh, kahit papano nakakabawas iyon ng bigat ng kanyang dinadala lalo't sa narinig na balita kanina ukol sa Binatang Mayor na nagpapagulo sa kanyang sestima na lalong nagpapabigat ng kanyang dinadala.

Kahit medyo may kalakihan ang nagastos niya baliwala lang iyon kikitain muli niya iyon. Ang gusto niya lang ngayon mag relax. Naibili rin niya ang inuungot ng kanyang anak, PSP. Bumili rin siya ng letche-plan para sa kanyang anak, paborito nito iyon. Eight thirty ng gabi ng makalabas siya ng Mall, hindi niya akalain aabutin siya ng ganoon katagal, nawala sa isip niyang dalhin ang kanyang c.p, hindi tuloy niya na-contact ang kanyang anak para magpaalam ritong gagabihin siya.

Nang huminto sa kanila ang Taxi sinasakyan niya, batid niyang meron silang bisita ng mga sandaling iyon, meron bagong-bagong puting SUV ang naka parada sa tapat mismo ng kanilang munting gate. Dinig na dinig niya ang malulutong na halakhak ni Dave sa labas ng bahay, ngayon niya lang naringan ng ganon katuwa ang kanyang anak.

Hmmm... Sino kaya ang maari nilang bisita, malamang ang kanyang pinsan at ang mga anak nito ang naron, ito lang ang alam niyang bibisita sa kanila ng ganoong oras, o kanina pa man siguro na inabot lang ng gabi. May bago naman sasakyan ang Kuya Joel niya kung ganon , pa kotse siguro ng kompanya marahil. Tamang-tama meron siyang dalang pwede pang pagsaluhan nila.

            "Halloo........" bati niya ng bumungad siya sa pinto.

"Mommy...Mommy" Tuwang sa lubong nito sa kanya. Agad naman niyang niyakap ito at hinalikan, parang namiss niya itong bigla.

"Why Mom? Where have you been, kaninang lunch wala ka pa tapos ngayon hapon pag uwi ko wala ka naman." Nagrereklamo nitong sabi.

"May pinutahan lang ang Mommy kaya ako ginabi po. Where's Tita Jo and your cousins?" Tanong niya rito.

"No.... Wala naman sila ah..."

"Hmm" Isang baritonong tikim ang narinig niya, pakiramdam niya tinakasan siya ng kulay ng mga sandaling iyon sa hindi maipaliwanag na dahilan, ng itinuon niya ang kanyang pansin rito.

Bakas sa mukha nito ang panlalalim ng mga mata nito, mukhang pagod, na nakakadagdag pa ang nangingitim ang balbas nito na ilang araw na sigurong hindi na shave, gayon pa man lalo itong naging kaakit-akit sa kanyang paningin.

Hindi rin niya matukoy kung anong emosyon ang napapaloob sa mga mata nito ng sandaling mag salubong ang kanilang paningin. Agad niyang iniwas ang paningin rito ng magsalitang muli ang kanyang anak ibinaling niya rito ang kanyang pansin.

"Mommy...Its Tito Bernard here Kuya Tyon's ninong, Kanina ka pa niya hinihintay, you know Mom we play Dama, 'yong parang chest alam mo 'yon, he teach me how to play, hmmm its quite simple at natalo ko siya, nagpunasan kami ng uling." Tuwang bida nito sa kanya. Kaya pala meron pa itong bahid ng dumi sa mukha.

Hindi niya akalain magkasundo na agad ang mga ito, sa ganoong kaigsing panahon. Bakit parang ang gaan kaagad ng loob ng anak niya sa binata. Obviously halatang sabik na ang anak niya sa pagkakaroon ng Ama. Meron nga itong ama ngunit kinakatakutan naman nito sa tuwing lalapit ito sa kanya. She sighed.

"Okay take this, para sa iyo iyan." Sabay abot rito ng kanyang dala-dalang paper bag.

"Wow...PSP, akin ba ito Mom.." tumango siya rito

"Thank you, thank you talaga Mom I love you Mom." Mabilis na niyakap siya nito at hinalikan.

"Sige doon mo na 'yan buksan sa room mo, and tell to Ate Nilda na maligo ka na rin tuloy." Pagtataboy niya rito. Mabilis naman itong tumalima sa utos niya. Nang masigurong nasa loob na nito ang kanyang anak, ibinaling na niya ang pansin sa Binata.

"Take a sit ilalagay ko lang ito sa ref." Itinaas pa niya rito ang hawak na supot kung saan naglalaman ng mga tinake-out niyang pagkain at letche-plan. Mabilis niyang iniwan ito.

Take A Chance (COMPLETE)Where stories live. Discover now