"Ohh bakit?" Tanong niya rito habang binubuksan ang trangkahan ng gate nila. Excitement ang mas nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Mabilis siyang niyapos nito ng mabuksan niya ang gate at mabilis na hinagilap ng mga labi nito ang mga labi niya. Ilang saglit pa pareho silang uhaw na uhaw, wari mo'y nagpapaligsahan at parang wala ng katapusan. Her lip was soft and sensual. Nang huminto ito, Pareho pa silang kinaposan ng hininga.

            "God! How I miss you so much sweetheart!" Bulong nito sa kanya at muli siyang hinalikan ng mas mariin. Naiyapos niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito, wari'y mo'y doon siya umaamot ng lakas, pakiramdam niya nanginginig ang mga tuhod niya sa sandaling bumitaw siya rito. At wala na siyang pakialam kung merong may makakita sa kanila ng mga sandaling iyon, basta ang importante nasa bisig siya ng binata. Hindi niya alam kung paano pakibagayan ito.

Moreover, she couldn't believe herself she could be this wanton and submissive.

            "Sweetheart... that's enough.. na miss lang kita buong maghapon." Bitaw nito sa kanya. Habang yapos at yakap-yakap siya nito, hinalikan pa nito ang bumbunan niya. Sa pagkakayapos nilang iyon dama niya ang init na hatid ng bawat isa, at hindi maitatangi iyon, lalo't ramdam niya ang ang isang bagay na nabuhay rito sa pagkakalapit nila.

            "Can you go with me? Gusto pa kitang makasama, tara...stroll muna tayo, alam kung hindi ka pa nakakaikot, ikot muna kita sa bayan na sinasakupan ko... pampaantok." Yaya nito sa kanya, Habang yakap pa rin siya nito.

            "Saan naman tayo pupunta?" tanong niya rito, itinangala niya ito, hindi man lang siya lumampas sa balikat nito dahil napatangkad nito,kasi nga five-two lang naman siya, kung ikumpara naman rito.

            "D'yan lang sasagap tayo ng sariwang hangin, saka maghanap tayo ng makakain kahit alas dose na." Sabay smack nito sa kanya. "Sige na magbihis ka na.." May paguutos na sabi nito sa kanya.

            "Okay dito ka lang ba? Hindi ka na ba papasok.."

            "No... its okay sweetheart hintayin na lang kita rito, nakakahiya sa kasama mo baka kung ano isipin.. basta dalian mo lang, mag suot ka na lang ng pants, pwede na iyan  top mo." Hinagod pa nito siya ng tingin. Namula ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon, with her robe, her tops and her panty only ang suot niya nothing else. Kaya batid niyang alam ng binata na wala siyang suot na bra... God kakahiya!

Mabilis siyang tumalikod rito at mabilis na pumasok sa loob...Hindi na niya pinag kaabalahang buksan pa ang ilaw sa Receiving area, mabilis na inakyat ang silid niya, at naghagilap ng maisusuot. Tangeng bedside lamp lang ang tumatanglaw sa kabuuan ng kanyang silid. Pinalitan niya ang kanyang top ng  sando black top at kumuha ng pantalon na nakasabit sa likod ng dresser niya, iyon yung mga nasuot na niya minsan, hindi niya ugali pagkahubad ng kanyang pants ay nasa marumihan kaagad ang tuloy nito, pine-preserve pa niya iyon, kung kailan batid na niyang  maduming-madumi na saka niya pa lang ito isasama sa mga marurumi para malabhan.

Mabilis niyang hinagod ang sarili, naglagay siya ng kunting bench cologne, konting-konti lang, hinagod niya ang kanyang natutuyo ng buhok, hindi na niya iyon pinag kaabalahang suklayin pa iyon. Mabilis na hinagilap ang susi ng bahay at mabilis na inilagay sa kanyang bulsa. Ilang saglit pa papalabas na siya. Naka-upo na si Bernard sa motor nito at hinihintay siya. Nang maisara niya ang pinto at gate, mabilis na lumapit siya rito.

"Okay na ba..." Tanong nito sa kanya habang hinahagod siya ng tingin nito.

"You so lovely sweetheart.. ganyan na ganyang ang ayos mo ng una kitang makita sa  Florencia. I like that...hmmm.." Habang hinuhubad nito ang sariling Jacket at isinuot sa kanya.

"Its too cold wear this." Sabi nito iyon palang ay parang may nag aawitang anghel sa tenga niya. Such a Gentleman.. "Sakay na" sabi nito sa kanya.

Halos hindi niya alam kung papano hahawak rito ng mga sandaling iyon, hindi naman kasi siya sanay na sumakay sa isang motorsiklo, lalo na kung ganito naman  ka-gwapo ang driver diba. Ilang saglit pa tumigil sila sa isang tabi.

Take A Chance (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon