Nais na sana niyang tangihan ang alok nito lalo't parang hindi na niya malunok ang huling subo niya. Kaya lang ayaw naman niyang ipahiya ang pinsan niya.

DEFINETLY, iba ang dating nito sa kanya, mula nang magkaharap sila kani-kanilang. Tama ang hinala niya maganda ang mga mata nito na lalong nagbibigay nang attraction sa kanya. Parang hawig pa nito ang artistang napapanood niya sa pang-umaga programa sa isang telebesyon. Baby face rin katulad din nito.

Hindi niya akalain dito pala niya makilala sa bahay nang Kumpareng Joel niya ang nagpagulo sa kanyang isipan mula nang Makita niya ito sa Florencia. Hindi ba nito alam na tuwing magsasalubong ang paningin nila ay iba ang hatid nito sa kanyang pakiramdam. Sa mga kilos nitong parang gusto na nito siyang takbuhan. He was devastated with this woman.

"Miss Esteves 'sang lugar naman dito sa Davao City ang nagustuhan mo?" Basag niya rito.

"Ahh actually wala pa nga, hindi pa rin naman ako nakakapaglibot dito sa buong City halos ganon rin ang nakikita ko sa Manila kakaiba lang less traffic saka sariwa ang hangin, hangang mall lang kasi kami muna, naging busy ako sa paghahanap nang malilipatan." Aniya.

"Ahh ganon ba, kong ganon, I would want to volunteer to be your tourist guide if you don't mind." Muling hirit nito. kahit nasa early thirty na ito, sa kanyang tingin carry pa ri nito mag pacute.

"Naku nakakahiya naman sa'yo, maisistorbo pa kita."

"Naku Michelle, pumayag kana ngayon lang nagyaya iyang si Bernard usually siya lagi ang tumatangi pagniyaya mo." Singit nang Kuya Joel niya.

"Yea tama ang Kuya mo, maano bang ma-tour ka naman dito sa Davao at makabisado mo naman ang mga lugar, maraming tourist destination rito, tiyak mag-enjoy ka. Alam mo kasi pare itong maganda kong pinsan, ay nagmomongha ito sa loob ng apartment niya 'yan at bihira naman pumasyal dito gawa nga't pareho kaming pumapasok ni Joel sa trabaho at weekend ko lang siya naiimbitan katulad ngayon.." ani ng Ate Jo niya.

"Ganon ba.. Why? We would set a date for that na lang para makapag out of town tayo pare, nang makapagrelax tayo, kahit papano at makapasyal na rin si Miss Esteves." Muling sabi nito.

"Yeah that's better next Saturday pwede na siguro 'yon, and you can cancelled your appointment kong meron man para sa out of town natin at hindi kana maiistorbo." Muling sabi ng Kuya Joel niya.

"Yeah why not Pare, I'll see to it that, it's gone be okay, if I have an appointment I'll canceled it para kay Ms. Esteves." Nakangiting sabi nito pero sa kanya nakatuon ang paningin nito. Parang gusto niya mabulunan ng nag twink ang mata nito sa kanya.

"Okay it's a deal ha, sige magpaplano na kami ni Michelle for our food, kami na ang magprepare." Sangayon naman nang Ate Jo niya.

"Ano Mitch? Okay ba sa'yo ang sabado baka you want something to suggest you know..." Baling nito sa kanya.

"Oo naman Ate walang problema sa akin." Iyon lang ang masasabi niya.

"Okay its gone be in Saturday ako na lang ang bahala sa place kong saan tayo maaring pumunta. By Monday siguro sasabihin ko na sa inyo." Muling dugtong nito.

Pagkatapos nang masaganang hapunan niyaya siya nang Ate Jo niya na pumanhik sa itaas, naiwan ang dalawang lalaki na patungo naman sa veranda para doon ituloy ang pag-uusap.

"Oyy mukhang me spark sa inyo ni Bernard ah." Tukso nito sa kanya. " Kitang-kita sa mga tinginan niyo eh."

"Ate ano ka ba? H'wag mo nga akong tinutokso, nakakahiya doon sa tao."

Take A Chance (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon