"Labs let me explain," tinulak-tulak ko sya palayo kay Zin.

"Mahal ko si Nicole. Narinig mo naman diba?" Tumayo si Zin habang hawak ang labi nito.

"Gago ka. Bakit? May balak ka bang agawin sakin si, Nicole? Huh!" aakmang susuntokin niya ulit si Zin pero naunahan sya ng suntok nito.

Nanginginig ang kamay ko.

"Tama na. Please tama na," hinawakan ko si Justin sa may braso ngunit hinawi niya lang iyon. Nasaktan ako sa ginawa niya.

"Hahayaan ko lang ba na mahalin ka niya? Akin ka Nicole. Akin ka!" Sigaw sakin ni Justin kaya napaatras ako ng bahagya. Sobrang tago sa puso anf sinabi niya.

"Wala kang karapatang sigawan si, Nicole." Hinila ako ni Zin papalapit sa kanya. Hindi ko alam kong anong gagawin dahil nagugulohan na ako.

"Gago ka," Sinuntok niya ulit si Zin kaya natamaan ito sa pisnge.

"Tama na please! Tama na." Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ang sikip-sikip ng dibdib ko hindi ko sila kayang pigilan.

"Isa kang malaking gago," saad ni Justin saka sinuntok ulit si Zin. Ayaw kong mag-away sila ng dahil sakin. Naiiyak na ako sa eksenang ito.

"Una niya akong minahal at alam mo iyon." Sinuntok niya agad si Justin. Lumapit ako sa kanila saka hinila sa braso si Zin.

Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para awatin sila.

"Zin. Please umuwi ka na please" Tinignan niya ako ng blanko ang ekspresyon ng mukha. Sobrang galit ma galit sya. "Please... Please!"

"Sorry, Nicole. I'm really sorry!"  sagot niya bago ito tuluyang umalis. 

Aakmang susundan sya ni Justin ngunit hinila ko sya sa braso. Gumuhit ang iritasyon saking mukha. Bakit hindi niya ako kayang pakinggan.

"Tama na," Sigaw ko. Humarap sya sakin na galit na galit at may pasa ito sa mukha.

"Mahal mo ba sya?" sigaw niya sakin. Naikuyom ko ang aking kamay

"Ano bang pinagsasabi mo!?" galit kong sagot. Sobrang sikip ng dibdib ko. Ang kanyang pag-igting panga ay nagpapakaalamang galit na galit ito.

""Stupid. Mahal mo sya diba? Diba? Hindi pa ba ako sapat? Kaylangan mo pa ba kaming dupugin mag pinsan?" Hinawi niya ang kamay ko sa braso niya.

Kanina pa sya sigaw ng sigaw ang sakit sakit na ng dibdib ko. May mga luhang pumatak sa mata ko dahil sa mga sinasabi niya. Marahan akong pumikit. Hindi ko na kaya. Kanina pa ako nagtitimpi.

The Hidden Love [ Book1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon