"Zin," Humarap sya sakin na nakangiti.

"N-Nicole," nakapamulsa niyang saad sakin.

"Bakit ka na parito? Hmhmh pasok ka muna sa loob--," Utal kong anyaya sa kanya. Hindi ko alam kong bakit ako nahihiya. Naalala ko ang nangyari sa dagat. Yong mga halik niya.

"Hindi ako magtatagal, Nicole. Yung kahapon kasi--," utal niyang sabi. "Ginawa ko lang iyon dahil."

"Kalimutan na natin yun Zin. Tsaka salamat huh? Maraming salamat dahil niligtas mo ako!" Putol ko sa sinabi niya.

"N-Nicole," Lumapit pa sya ng kunti sakin. "Ginawa ko iyon dahil gusto ko." na bigla ako sa sinabi niya. Hindi ako makasagot at hinihintay na dugtongan niya ang sasabihin nito. "Hindi ko mapigilang halikan ka non. Sorry," napalunok ako. Tila may bumara saking lalamunan.

"Z-Zin," Pigil ko.

"Natakot ako sa araw na iyon. Hindi ko alam pero takot na takot akong mawala ka. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala dahil alam ko sa sarili ko na mahal parin kita." biglaang huminto ang tibok ng puso ko.

Bakit? Bakit sinasabi niya ito ngayon? Mahal ko si Justin ngunit hindi ko mapigilang masaktan dahil sa minahal ko sya noon. Pero nakaraan na iyon.

Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

Ang mapupungay niyang mata at mapupulang labi ay napakaperpekto. Ang medyo magulo niyang buhok ay gumuguhit ng sinseryo.

"Mahal kita, Nicole. Minahal talaga kita noon. Hindi ako mapakali kong hindi ko ito ilalabas. Gusto ko ng sabihin sayo ito dahil nahihirapan na ako. Patawarin mo ako. Patawad subalit mahal talaga kita," Yumuko sya pagkatapos sabihin yun.

Hindi ko alam kong anong isasagot ko. mahal ko ang pinsan niya at alam iyon ng puso ko. Pero bakit? Nakaramdaman ako ng kaba at takot. Nanginginig ang kamay ko.

"Raelly dude? Mahal mo ang girlfriend ko?" Bigla kong binawi ang kamay ko na hawak ni Zin.

Mas lalo akong kinabahan at tila na gegyera ang mga bulati sa tiyan ko sa takot. Nanlaki ang mga mata ko nang nasa gilid namin si Justin. May dala itong boquet ng bulaklak. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Sagotin mo ako. Mahal mo ang girlfriend ko?" sigaw pa nito. Halos hindi ako makagalaw.

"Matagal na," Mas nagulat ako sa sagot ni Zin.

"Gago ka pala eh," lumapit si Justin saka sinuntok si Zin.

Sobrang bilis ng pangyayari.

Nakabulagta si Zin sa sahig habang hawak ang labi niya na may dugo. Natataranta na ako sa nangyayari ngayon kaya nagmadali akong lumapit kay Justin saka sya pinigilan.

The Hidden Love [ Book1 ]Where stories live. Discover now