LD2: IV Life And Death

Start from the beginning
                                    

"Bakit nyo ba ko kinidnap? Embalsamador lang ang papa ko. Wala syang pera kaya wala kayong mapapala sa'min." Kelangan makombinsi ko sila na mahirap lang ako. Teka bakit ko ba sila kelangang kumbinsihin eh mahirap lang naman talaga ako. Di ba?

"Gu –gusto nyo bang kuhanan ni papa ng lamang loob mga iimbalsamuhin nya tapos ibebenta nya para lang may pangbayad sa inyo? Paano na lang kung wala ng lamang loob yung mga tao? Hindi ba kayo naawa sa kanila – " tinutukan ako ng baril nung isang lalaki na tumulong sa'kin umupo.

"Hindi ka ba titigil sa pagsasalita?"

"Pwede naman talaga kong tumigil kung gugustuhin ko kaya lang kasi nagtatanong kayo so ang bastos naman kung hindi ako sasagot pero titigil na ko talaga kung papakawalan nyo na ko – " napalunok ako ng makita kong naglabas silang tatlo ng baril. Okay enough na Torrence. Sana last wish mo na lang ang sinabi mo baka sakaling makarating sa mga mahal mo sa buhay. Pero hindi pala pwede kasi baka pamilya ko naman ang patayin nila. Lord patawad sa lahat ng kasalanan ko.

"Sabi sa inyo hindi sya ang heiress! Sa itsura pa lang nito mukhang mahirap nga sya. Sino bang mayaman ang magluluto ng aso at kakainin? Nakakadiri 'tong babaeng 'to." Tumayo yung lalaki sa tabihan ko at itinago yung baril nya sa loob ng jacket nya.

"Tama ka. Pakawalan na lang natin 'to." Yes. Thank you kuya. Kahit na dinala nyo ko dito okay lang. Basta pakawalan nyo lang ako.

"Teka. Anong ginagawa mo sa Airman Academy kung hindi ikaw ang heiress?" pinatigil nung balbasaro ang pagpapakawala sa'kin. Kainis naman oh. Sige na nga sasagutin ko na yan para matigil na lang sya.

"Well may date kami ng boyfriend kong si Cliff. Sabi nya magkita kami sa back gate for a change. I know masyadong weird kasi dun pa kami dumaan. Actually first time ko dun dumaan kaya nagulat ako na may mga holdappers pero sa tingin ko hindi na kayo matatawag na holdappers kasi papakawalan nyo na nga ako kaya thank you ng madami!" bakit ba ang daldal ko ngayon? Ito kasi yung way para mawala yung kaba ko no! Please understand my situation.

"Tori o kung sino ka man unang-una hindi kami holdappers. Kidnappers kami!" nanggigigil na sabi ni kuyang balbasarado.

"Ha. Ha. Ha. Magkaiba ba yun? Para sa'kin kasi pareho lang sya. Holdappers Kidnappers whatever. Ha. Ha. Ha." Tumigil na ko ulit dahil ako lang ang natawa.

"At sinong Cliff ba 'tong boyfriend mo?"

"Clifford Airman. I mean hello hindi nyo sya kilala?" napatigil ako sa sinabi ko. Oh no! Pinahamak ko si Cliff. You're so stupid Torrence. Congratulations! Magsorry ka na lang kapag nakita mo si Cliff at magbilin ng message for Tonsi.

"Airman ba kamo?"

Hindi nya ata narinig. Magagawan ko pa 'to ng paraan. I can do this.

"Airman? Sino yun? Ang sabi ko Airmail. Airmail hindi Airman. Magkalayo no. Paano magiging man ang mail eh three letters ang man at four ang mail. Ha. Ha. Ha. Kahit kinder alam na magkaiba yun. Mmmm. Mmmm." At yun na ang end ng speech ko dahil tinakpan nila ng masking tape ang bibig ko.

"Bibinggo na din tayo dito. Hindi man sya ang heiress mapapakinabangan na din natin sya."

Umiling lang ako at nagbabakasali na maintindihan nila ko. Sinabi ko na ngang Airmail hindi Airman. Hindi ba sila naniwala sa'kin? Ano ng gagawin ko? Hindi ako makakatakas kung ganito ang situation ko. Superman o Batman kung nasan ka man tulungan mo ko. Mental telepathy! Mental telepathy! Sana may makarinig sa'kin.

************************************

CLIFF'S POV

Tumawag na ko ng mga pulis at pinasunod ko na lang sila sa location kung saan dinala si Torrence. Sinundan ko yung sasakyan at dito sila tumigil. Parang isang abandoned production company pero mukhang storage area. Masyadong malaki 'to at hindi ko alam kung saan magsisimula.

Love Disaster 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now