"Wala kang klase?"

"Meron." Ipinatong niya ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng lamesa at pinatong ang baba niyo doon.

"Eh bakit ka nandito? Pumasok ka na."

"Nakita kita." Mabilis siyang sumilip sa'kin bago umubob. "Wala kang kasama. Nakatulala ka pa."

"Ayos lang ako kesa naman ma-late ka, di ba? May naisip lang ako bigla."

"Okay lang 'yon. Ikaw naman ang kapalit, e."

Agad na umiwas ang tingin ko sa kanya. Nakaramdam ako lalo ng hiya nang mrinig ko siyang tumawa. Habang tumatagal mas lalo na siyang nagiging palabiro at palaasar.

Akalain mo yung taong kinakatakutan ko ang mga mata noon, kasama ko na ngayon at kaya ko ng tingnan ang mga mata niya.

"May naalala ako. Di ba, parang galit ka sa'kin noong nagkita tayo last sem? Bakit?"

"Secret?"

"Ang daya ne'to! Parehong pareho kayo ni Alex!"

Ngumiti siya, "Hindi mo na kasi kelangang malaman."

Sumimangot ako at hindi na nagpilit pa. Hinarap ko na ulit ang libro ko sa Accounting at nagsimula na ulit magsagot. Pero nagsalita ulit sya.

"Nalaman ko kasing may boyfriend ka na." bumuntong hininga siya at pinanuod ang mga taong naglalakas sa labas ng SH building. "Pero hindi ako nagalit sa'yo."

"Pero bakit ka ganon?"

"Ako kasi dapat 'yon, at hindi siya." Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo, "Pasok na 'ko."

"I'll take that frown as a sign that you really missed me." Pauwi na rin ako galing Art Stuff nang makasalubong ko si Aly sa labas. Galing siya sa gala kasama ng mga kabarkada niya ang dahilan niya kugn bakit siya nandito. At alam ko namang hindi rin ako ang pakay niya dito—ehem, Matt—pero gusto ko rin siyang makita at some point.

Sinabayan niya akong maglakad—maglakad sa lugar na hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"So that guy showed up. Hindi lang siya mag-isa, he almost bring his whole family over." Napasimangot siya. "Ang sarap niyang sakalin!"

Umiling ako, "Masaya naman, e."

"At base sa iling at ngiti mong 'yan, mukhang may kelangan akong malaman?" Nag-aalinlangan akong tumingin kay Aly. Mukhang laging nararamdaman ni Aly na kelangan niyang makipagkita niya sa'kin kaya laging tama ang dating niya.

Pero dapat ko bang sabihin sa kanya?

"Remember what I said before? Enjoy yourself but know your limits at yung everything happens for a reason?" Tumango ako sa kanya. Hindi ko sila makalimutan, actually. "Ngayon, nalaman mo na ba?"

Alam ko.

Alam ko na ang mga rason.

"Ayaw mong aminin o natatakot kang aminin sa sarili mo?"

"Hindi ko alam, Aly." Napatungo ako. Kahit sarili ko gusto kong pagdudahan sa lahat ng nangyayare.

"Alam mo bang nakipagdate ako kay Lance dahil sa isang pabor?" biglang binago ni Aly ang usapan. "Alam mo rin bang tigil na si Lance sa Boyfriend Corp at huli na dapat ang double contract niya sa third client niya?"

"Nag-extend pa ang contract nila?"

Tumango si Aly.

"Six months ang relationship nila sa kontrata."

Boyfriend Corp. Book 2 : After ContractWhere stories live. Discover now