Prologue

168K 3.5K 168
                                    

Ang istoryang ito ay gawa lang ng aking imahinasyon, kung ano mang pagkakahalintulad na maiuugnay nito sa tao, bagay, lugar, o pangyayari ay coincedence lamang at hindi ko po sinadya

PROLOGUE

Taong kasalukuyan...

 

 

2013

Kasabay ng bagong milenyo.                                                                                                               Nagkaroon ng mapakalaking balita na gumulantang sa buong bansa, labing tatlong taon na ang nakakalipas.

January 2000

Reporter: Sa hindi malamang kadahilanan animnapu’t walong mga batang babae ang sabay sabay  na nawala sa loob lamang ng isang araw.

Naglalaro sa edad apat, lima hanggang anim na taong gulang ang mga nasabing bata.

Ang mga batang ito ay nabibilang sa mga prominenteng pamilya. May mga anak ng pulitiko, mga sundalong may mataas na katungkulan sa hukbong sandatahan, anak ng doktor, abogado, hukom, arkitekto, enhinyero at mga kilalang negosyante.

Hanggang sa ngayon hindi parin mahanap ang mga batang ito na naglaho na lamang na parang bula.

Hindi ma-trace at walang lead na makuha ang mga kinauukulan upang matunton ang kinaroroonan nila. Mismong ang pangulo na ng bansa ang nag-utos na italaga ang Task Force Y2k 68 na naglalayong magsagawa ng masusing imbestigasyon at matukoy kung ano ang itensyon, sino ang may pakana at para narin mahanap ang mga bata. Ito ay pinamumunuan ni Insp. Juanito Jacinto.

...end of report...

Ngayon 2013 na...

Hindi parin nalutas ang kasong yun.

Hindi pa rin mahagilap ni isa man sa animnapu’t walong bata. Unti-unti ng nawalan ng pag-asa ang mga magulang at kamag-anak ng mga bata. Siguro sa panahong ito nasa edad labing pito o labing walo na ang mga nasabing bata.

Ano kayang nangyari sa kanila?

Buhay pa kaya sila?

Sinong kumuha sa kanila?

Anong ginawa sa kanila?

**************************

Dedicated sa kanya kasi siya yung naghalungkat sa baul ko!

iangelspark

The SAINTSWhere stories live. Discover now