Psst!

509 9 3
                                    


Hi.. eto na naman ako.. na-mi-miss kita.. 

Hanggang FB na lang ba ako? Forever stalker mo na lang ba ako??

Aaminin ko medyo nagselos ako nung nakita ko ang picture mo kasama ang isang babae.. 

Oo. Alam kong wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Siya na ba ang gf mo? Siya na ba ang ipapakilala mo sa magulang mo?

Nitong nakaraang araw.. masaya ako dahil nagkausap tayo sa chat.. kahit ilang dialogues lang masaya na ako..

Masaya na rin ako dahil alam mo kung ano ang nangyayari sa akin.. Alam mong nagsusulat ako at nagka-publish ng libro. 

Sa simpleng bagay , pinasaya mo ulit ako. Sana dumami pa. Sana pasayahin mo ulit ako.

Namimiss na kita.

May tsansa pa bang magkita tayo?

O hanggang tingin na lang ba ako sa Fb mo?

Lagi kang online sa chat.. naghihintay lang ako na kausapin mo.. hanggang tingin na lang ba ako sa yo?? 

kailan mo ako kakausapin? di ba friends naman tayo.. di ba.. magkababata tayo??

kailan ba tayo magkikita muli??


Dear Crush..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon