Dear Crush..

1.7K 47 16
                                    

Dear Crush,

Bakit ba sa tuwing magkikita tayo.. natatameme ako? Nababalisa? Kinakabahan? Kinikilig? 

Ano bang meron ka? Tao ka. Normal ka naman pero bakit pag iniisip kita naloloka ako? 

May gayuma ka bang pinainom sa akin?

May agimat ka ba para ako'y paibigin mo?

Ano bang meron sayo? 

Ikaw ang dahilan kung bakit puno ng taghiyawat ang mukha ko. maraming eyebags at laging wlang ganang kumain. 

Pag nakita lang kita, MY GOD! buo na ang araw ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang feelings ko sayo. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito.. Pakiramdam ko laging akong masaya kapag kasama ka. Natutuwa at kinikilig kapag kinakausap mo ako. Mukha na akong sira pero sa isang taong in love sayo.. napaka-swerte ko na.

Gusto kong makita ka araw-araw. Gusto ko magkasama tayo lagi.

Pero ako'y babae. Naghihintay lang sa bintana. Sumusulyap kada oras at hinahanap ka. Magkalapit lang ang bahay natin ngunit pakiramdam ko napakalayo mo para sa taong na-i-inlove sayo.

Kaibigan lang ang turing mo sa akin. Isang kababata pero ako.. mahalaga ka sa akin. 

Hanggang tingin lang ako.. pasulyap-sulyap.. ngingiti at babati tuwing magkakasalubong tayo.. pero sana kahit 5 minuto magkausap tayo.. sana kahit ngiti mo at tawa ay tiyak SOLB na ako.. 

Ngunit ako'y babae.. tikom ang bibig at laging binubulong sa hangin ang pananaghoy sa yo. 

Sana mapansin mo ang mga bulong ko sayo.. sana mapansin mo ang mga titig ko sayo.. sana ako'y mapansin mo.. Sana lang..

Kung may lakas lang ako ng loob.. kung pwede lang sana.. kaso baka ika'y lumayo.. hindi mo pansinin at mawala ang pagkakaibigan..

Sana sa sulat kong ito.. madama mo kung gaano kita gusto..

Madama mo sana ang higit 10 taong pagkakagusto ko sayo.

Dear Crush..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon