Chapter 1: Fallen Angels

71 2 1
                                        

Laiana

"Umuwi na kayo!" Sigaw ko sa kanila habang naka squat ang mga kamay. As if namang kaya kong harangan lahat sila.

"Ang kj mo Laiana! Porket ikaw ang student disciplinary at makikita mo sila gabi gabi ay ang damot damot mo na!" Sigaw ng isang babaeng schoolmate ko. Sumang-ayon naman ang lahat sakanya. Oh geez. Ang hirap maging anak ng headmaster.

"Just a glimpse Laiana! Please!" Hirit naman nung isa.

"No! No! No! Mag siuwi na kayo sa dorm room niyo!" Pero di ulit nila ako pinansin dahil narinig ko nang bumukas na ang gate ng moon dorm

"Ahhhh! Calex!"

"Anthony! I'm here!"

"Josiah! Waaaaah!"

"Winter! Idol!"

Sa mga tili nila ay bumagsak ang mga balikat ko..

"Nahuli na naman ako" tumalikod na ako para makita sila na nasa bungad ng moon dorm. At doon nakita ko ang mga nilalang na may taglay na kanya kanyang kagandahan.

Si Josiah, Calex, Anthony, Winter, Itsicho, Dionne, Johan, at si Lukas..

Si Lukas.

"Hello everyone! Good day!" Nalukot ang mukha ko sa ingay ni Josiah. Gwapo si Josiah. Maloko lang. Nilapitan ko siya.

"Hoy! Wag ka ngang ganyan! Lalo lang nagkakagulo yan eh!" Pabulong kong sigaw sakanya. Tinapik niya lang ang ulo ko.

"It's okay Laiana. I can handle this." Hambog niyang sagot na ikinasimangot ko.

"Josiah, 'wag mo namang gawing aso si Laiana." Napatingin naman ako kay Anthony na nakangiti na sakin.

Anthony Crown. The Supreme Pupil Government President.

Ginantihan ko siya ng ngiti at tumakbo na papunta sa mga babaeng nag wawala sa harap ng dorm gate ng Moon Dorm.

"Settle down everyone! And make a way!" Sigaw ko sa kanila na agad naman nalang sinunod. Si Josiah naman ay naglakad na habang binabati ang lahat.

"Good day everyone! Hey girl, ang ganda ng sapatos mo ah." Nanlaki ang mata ko. Hindi pa gaanong malinaw ang daanan! Marami pang babae ang nakaharang!

"Josiah teka! 'Wag muna!" Sigaw ko dito. Pinapalibutan na siya!

"It's okay Laiana. I got this." Sagot niya na may masayang tinig. Ugh! Nakakainis!

"Josiah!" Tawag pansin ko pa sakanya pero 'di na niya ako pinansin. Napabuntong hininga ako. Nakaka stress! Lalapitan ko na sana sila para itaboy ang mga walang hiya kong school mate na babae nang biglang may malamig kaming boses na narinig na nagpatigil ng lahat.

"Josiah. Sundin mo ang sinabi ni Laiana at bumalik ka muna dito." Napatingin ako sa likod at nandon na si Lukas na nakatingin kay Josiah.

"Okay. Sorry ladies." Nanlulumong bumalik si Josiah sa grupo na nasa bungad parin ng moon dorm.

"S-salamat Lukas." Nauutal kong sabi. Ngumiti siya sakin at naradaman kong nag-init ang mukha ko. Kaya't agad akong umiwas ng tingin at binalingan ang nakakalat na muling mga babae. Naglakad ako sa gitna nilang lahat dahilan para bigyan nila ako ng daanan. Nagsimula nang maglakad sina Anthony kaya't gumilid na din ako.

Nagsimula na namang bumati ng bumati si Josiah habang ang iba naman ay ngumingiti lang. Si Lukas naman ay pinanatili ang walang emosyon na mukha sa kabila ng sigawan at tili ng mga babaeng nakapaligid sa kanila.

Nang malapit na sila sa pwesto ko ay tiningnan ko lang sila.

Kay gagandang mga nilalang ngunit may sekretong dapat ingatan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NoblesseWhere stories live. Discover now