Sacred #40

8.1K 112 32
                                    

Author's Note: Hello!! Sana basahin niyo 'to. I'm sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate sobrang adjustment ang ginagawa ko dahil grade 11 na ako at super hirap ang ABM strand grabe, every week yata may exam kami tapos lahat definition pa ang ibibigay. Pero ngayon maluwag na schedule ko kaya makakapagupdate na yata ako every 2 days or every 1 day pero ayan nanaman, pangako ko nanaman, wag niyo masyadong paniwalaan HAHA

Sa mga hindi pa rin bumibitaw sa story na 'to, salamat!! Madami pang mangyayare kaya sana abangan ninyo.

Enjoy the chapter~ 

Chapter 40: Fierce

Alexsandra's Point of View

Napabalikwas ako sa pagyuyuko sa lababo pagkarinig ko sa boses na yun at bigla akong nakaramdam ng kaba kahit wala namang ikakakaba. Like hello? Dumuwal lang ako tapos kakabahan na kaagad ako? Lahat ba ng dumuduwal, buntis? Wait.. Wala naman akong sinasabi na ang dahilan kung bakit ako kinabahan baka isipin na buntis ako ah? Teka bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?

Kaya nung pagkabalikwas ko kaagad ko nakita si mommy na papalapit saakin kaya naman napapunas ako sa baba ko at sinagot naman siya

"Sumama yata tiyan ko dahil sa kinain ko kagabi mom" sabi ko which is parang totoo naman yata na yun ang dahilan kasi bigla akong nanghina na ewan. Alam niyo yung feeling na gusto niyo nalang humiga at matulog nalang?

  "Nako talagang bata ka bakit kasi nagpadalos dalos ka kumain ng maraming gulay eh ayaw mo sa mga gulay na halo halo diba?" Sermon niya sakin pero hinimas-himas naman ang likuran ko at kaagad ako sinalinan ng tubig at ininum ko naman kaagad yun

"Teka gusto mo bang uminum ng gamot? Masama pa rin ba tiyan mo-"

"Wag! I-i mean wag na po mom. Ok na po ako" medyo naweirdohan si mommy sakin kasi bigla bigla nalang akong sumigaw na pabigla. Para kasing instinct na humindi sa ganun dahil parang may nagsasabi na wag ako uminum ng kahit anu anung gamot

"Oh sige anak. Magpahinga ka nalang ulit sa itaas, bumaba ka nalang pagkakain na" tumango naman ako at hinalikan siya sa pisngi at kaagad pumunta sa kwarto namin. Pagkapasok ko kaagad ako humiga then nagkumot at pumikit

**

"I'm sorry for your lost"

Biglang tumahimik. Wala akong naririnig na kung ano ano kundi ang pagtibok lang ng puso ko. I smile and bit my lips then nod

"T-thank you.."

**

Napabalikwas ako ng pagkahiga dahil sa napanaginipan ko. Ang weird. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganung panaginip. Everything was so blurred that I couldn't see a thing pero nararamdaman at naririnig ko lahat. Feeling ko ako yung sumagot pabalik pero kasi anong I'm sorry for your lost?

"Bby?"

"Ayyy!!!"

Napatili ako bigla kasi may biglang nagsalita sa gilid ko at pagkatingin ko nun nakita ko si Lucas na nakabasungot ang mukha kaya kaagad ko naman siyang hinampas

Loko 'tong lalaking 'to. Gusto niya yatang multuhin ko siya ng maaga

"Aray ah. Lakas makahampas neto" sabi niya habang nakangisi. Kita mo 'tong lalaking 'to hindi manlang nagsorry dahil sa panggugulat

"Aba dapat lang kasi papatayin moko sa panggugulat ways mo! Tsaka paano ka nakapasok?" Tanung ko at napatingin sa paligid. Wala na pala ang dalawa, gumura nanaman yung mga yun

"Nasa labas na sila. Inaayos yung mga dapat ayusin para sa laro" sabi niya sabay tabi sakin at niyakap sa bewang kahit na nakaupo lang kami. Kabaliwan ng lalaking 'to. Kaya namang sumandal ako sakanya tapos naramdaman kong napasandal na rin siya sa headboard

"Ayy oo nga pala nuh maglalaro pa pala tayo" sabi ko nalang

"Oo nga pala nasabi ng mama mo sakin sumusuka ka daw kaninang madaling araw. Anong nangyare?" Napatingin ako sakanya tapos tumingin ulit sa harapan. Bigla akong nakaramdam ng excitement pero kasabay nun ay kaba. Teka ba't ako naeexcite at kinakabahan eh sa sumama lang yung tiyan ko

"Dahil siguro sa mga gulay" sabi ko tapos mga ilang minuto tumahimik siya at hindi nagsalita tapos bigla niyang hinila yun magkabilang pisngi ko kaya agad agad kong pinaghahampas kamay niya. Kaloka tong lalaking 'to ansakit ng pisngi ko grabe

"Dapat kasi hindi ka kumain agad agad lalo na't ayaw mo ng halo halong gulay" sabi niya pagkatapos bitawan ang pisngi ko habang ako nagdudusa sa sakit. Feeling ko nalusyang kaagad mukha ko dahil sa paghila niya

"'Langya ka! Ansakit ng pisngi ko! Pag ako talaga makabawi sayo" sabi ko nung nakalayo siya ng konti saakin pero ngumisi lang siya then tinapunan ako ng unan, nasalo ko naman yung una kaso yung pangalawa hindi. #BeastMode

"Lagot ka sakin" sabi ko sakanya tapos tinapunan siya ng unan kaso kaagad niya naibalik sakin kaya sapol nanaman. Tinawanan lang ako grabe siya

"Andaya mo!" Sigaw ko sakanya tapos tinawanan lang ako pero kaagad naman lumapit sakin

"Sorry na. Baba na nga tayo. Gutom nako eh" sabi niya pagiiba ng usapan tapos hinila ako kaagad palabas

"teka ang kalat kaya"

"Pabayaan mo yun. Kumain muna tayo. 8am na oh. Tayo nalang ang hindi pa kumakain" sabi niya tapos hinila pa ako pababa sa hagdanan tapos bigla akong napahinto doon sa may pintuan na nakabukas kung saan makikita mo ang beach

"Grabe anong laro ba ang gagawin natin?" Nagtataka kong tanung. Ganuto kasi yung nakikita ko may mga gulong ng sasakyan na nakakalat sa buhangin pagkatapos doon may rope na ang dami pero nagkabundol bundol na nakaharang na parang gagamitin mo yun para makalagpas doon then kasunod nun may arrow na nakaturo doon sa dagat kung saan may nakalutang na styrofoam at may nakatusok doon na red at blue flags

"Pabilisan yata sa pagkuha ng mga flags" sabi niya at ako naman nakatingin pa rin doon

"Tara na" sabi ni Lucas sakin at hihilahin sana ako ng biglang may dumating na mga sasakyan kaya hinila ko pabalik si Lucas

"Tignan natin sa labas dali" sabi ko pero bago siya makasagot hinila ko na siya palaba at nakiisyuso. Nakasabay namin sina Prince at Julian

"Sino yan pre?" Rinig kong tanung ni Lucas

"Sila mommy na yata yan" sabi naman ni Julian at tama nga siya. May bumaba na babae, hindi siya katandaan pero nasa late 40's na pero ang ganda pa rin and I must ay, tita joyce is really gorgeous

"Titaaa!!!" Rinig kong sigwan ng mga bata sabay takbo papunta kina tita at tito

"Tara na nga sa loob" bulong ni Lucas sakin kaya kinurit ko siya sa tagiliran

"Mamaya na. Nandito sina tita oh" bulong ko pabalik sakanya

"Gutom nako babe" pabulong na sagot naman niya kaya napabuntong hininga nalang tuloy ako

"Oo na. Tara na nga" sabi ko at aalis na sana ng biglang may bumaba na isang babae. Mataas na babae. Nakahigh waist short at crop top tapos naka sunglasses pa at naka sun hat pa and wait wag kalimutan ang stilettos na 6 inches yata ang takong. The way she stands alam na alam ko na sino 'to

"Lagot" natatawang sabi ni Lucas nung tinanggal niya yung sunglasses niya tapos tinaasan kaagad yung mga bata na nagsisiingayan gamit ng killer eyebro's niya

Napaurong ang lahat ng mga bata at kitang kita ko kung paano natatawa yung barkada dahil sa inakto niya. Inikotan pa nito ng mga mata kaya nagsitakbuhan sila papunta sa likuran ng mga parents nila at rinig na rinig ko ang hagikhikan sa likod ko

Napatingin ako ulit sa babae na nakafierce look pa rin sa mga bata. That sagad red lipstick, perfect eyeliners and killer eyebro's

"Sera! 'Tong babaeng to! Ang maldita pa din" natatawang sigaw ni Celest sakanya

And yep, nandito na talaga ang maldita sa grupo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pleasuring the SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon