Chapter Twenty

883 35 1
                                    

Chapter 2O

Agad na napabaling ang tingin niya sa mga isturbo, nakita niya sina Jin at Treize na nakangisi sa kanila. Mga kasamahan niya ito sa Royal Yacht Club. Si Jin ay may ari ng chain of five star hotels, samantalang si Treize ay nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking Telecommunication Company sa bansa.

"Ano ang ginagawa niyo dito? " akala niya kasi nasa business trip ang mga ito.

"Wow! Boss, chill lang, hindi naman namin sinasadyang mang isturbo, nagkataon lang talaga na napadaan kami dito " sabi ulit ni Treize, iyong ang nag sabi ng Live Porn kanina. Habang si Jin ay tumatango-tango lang.

Boss ang tawag ng mga ito sa kanya kahit ayaw niya, dahil siya daw ang pinuno ng club nila.

"boss, di mo ba kami ipapakilala sa magandang dilag na kasama mo? " nakangising sabi naman ng halatang antokin na si Jin.

Pero bago pa niya maipakilala si Lee sa mga ito ay naglahad na ng kamay si Treize dito.

"I'm Treize Mondragon Ma'am, always at your service " tinanggap naman iyon ni Lee.

"I'm Juvy Lee Cruz- -"

"Lee? Wow, sa wakas ay nakilala ka din namin, Haha alam mo bang pala- -" hindi na naituloy ni Jin ang sasabihin sana nito ng tiningnan niya ito ng seryuso, antokin ito pero di maiiitanggi na may pagkamatabil ang bunganga nito. "Anyway, I'm Jin Rex Villaruiz, nice to meet you " nag shake hands ang dalawa.

"Mabuti pang mauna na kami, ang sama na ng tingin ni Boss, sa amin oh" pakwelang sabi naman ni Treize.

"Mabuti pa nga, alis na kayo shoo! " mga isturbo. pagtataboy niya sa mga ito.

Tumatawang umalis na ang mga ito habang sumisenyas pa ng nice one!! Mga baliw talaga.

***

"Mga kaibigan mo ang mga iyon? " tanong ko agad habang nakasunod ang tingin sa papalayong mga binata. Ang mamatcho kasi, at ang gagwapo.

"Baby, wag mo nga silang tingnan, tingnan mo mas madami pa ang abs ko sa kanila " natatawang napatingin siya kay Jack na pinapalo ang kamay sa tiyan nito to emphasize his abs , well, totoo namang maganda din ang abs nito na bakat na bakat sa puti nitong T-shirt.

"Ewan ko sayo, hindi mo kaya sinasagot ang tanong ko "

"Ahh, sort of, magkakaibigan na din siguro kami, mga ka membro ko iyon sa club "

"Siguro?? At bakit Boss ang tawag nila sa'yo? "

Ano iyon? Mag kaibigan sila pero hindi sure? May ganoon ba?

"Kama-kailan lang kasi kami nag kalapit ng mga iyon, well, boss ang tawag nila sa akin kahit ayaw ko, kasi ako daw ang founder ng club namin, mabuti na din iyon k'ysa tumatagingting na President"

Tumatango-tango siya habang nakikinig sa paliwanag nito.

****

"Grabeh para tayong mga baliw" sabi ni Juvy matapos punasan ang basang buhok ni Jack, natapos na kasi nitong punasan ang buhok niya. "Hindi ka ba nahihiya sa mga empleyado mo, baka isipin nilang nababaliw ka na kasi para kang bata na nag lalaro sa ulan kanina. "

"Bakit naman nila iisipin iyon, kilala nila ako, baka sa isipan nila ikaw ang 'baliw' kaysa sa akin "

Pinagpalo-palo niya ito ng tuwalyang hawak habang tumatawa lang ito habang sumasalag.

"Mabuti pang umuwi mo na tayo, para makapagbihis " pareho pa kasi silang basa sa mga sandaling iyon.

"Ang lakas kasi ng trip ng isa dyan" kunwari inis na sabi niya.

"Asus, nag enjoy ka naman "

Yes. She enjoyed the rain. It makes her alive and happy dahil ito ang nakasama niya.

"Halika na nga, basta ha, pag magtanong si Mama kung ano ang nag pasimuno nito, ikaw ang ituturo ko " ani ni Jack sabay hila sa braso ni Juvy.

"Ano ka! Ikaw ang ituturo ko " sagot naman ni Juvy sabay palo dito.

"Haha, ok sige pag piningot ako ni Mama ay wag mo akung pagtatawanan "

"Pipigilan kung tumawa "sagot niya dito. Ayaw na ayaw nga kasi ng Mama nito na naliligo sa ulan ang mga anak nito.

Halos Magkayakap na lumabas sila ng opisina patungong parking lot ng resort, pinagtitinginan tuloy ulit sila ng mga parokyano at mga empleyado nito. Idagdag pa na maliit lang ang payong na gamit nila at isa lang iyon kaya pinilit nilang pagkasyahin ang katawan doon.

TBC. . .

When LOVE and HATE Collide. (The Billionaire Series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon