Chapter Eighteen

810 33 0
                                    

Chapter 18

Madali lang lumipas ang mga panahon, ngayon mag dadalawang buwan na siya sa mansion ng mga Suarez, pero hanggang ngayon di parin niya alam ang dahilan kung bakit umiiyak din si Jack noong umiiyak siya. nang tinanong ko kasi ito tungkol doon ay di na ito sumagot.

Magkasundong magkasundo sila ni Mama Lucy at nasanay na din siyang magpanggap na noyba ni Jack sa harap ng Mama nito, pero paminsan ay di patin niya maiwasang mailang pag nakakadikit sila, ewan parang may anong nangyayari sa loob niya sa tuwing malapit ito.

Nilapitan niya si Mama Lucy na kasalukuyang ini-spry'han ang mga bulaklak na nabagsakan ni Jack noon na tumutubo na, pero nakuha ng mga pulang rosas ang atensyon niya bago pa siya makalapit dito.

"Gusto mo rin ba ang mga pulang rosas, Juvy? iyan kasi ang lagi mong nilalapitan pag pumupunta ka dito sa garden." pukaw ng ginang sa kanya, nakangiti ito habang lumalapit sa kanya, hindi mo aakalaing may sakit ito kasi ang lakas nitong tingnan.

"opo, paborito ko po ito" nakangiti din niyang sagot dito.

"Parehong- pareho kayo ni Jack, alam mo bang bata pa lang siya ay madalas ko siyang mapingot kasi inuubos niya sa kapipitas ang mga iyan" natatwang tukoy nito sa hawak niyang mga pulang rosas.

"bakit naman po niya pinipitas?" takang tanong niya.

" may batang babae daw kasi siyang gustong bigyan niyan araw-araw kasi nalaman niyang paborito daw yan ng batang babaeng iyon, kaya araw-araw din niyang pineperwisyo ang garden ko" nakangiting sabi nito. " araw-araw maaga pa iyon magising para hindi mahuli nung bata na siyu ang naglalagay ng mga pulang rosas,napapangiti na lang ako pag naalala ko ang mga araw na iyon" 

Red roses ang araw-araw niyang nakukuha sa labas ng kwarto nila ng tiyahin niya pagka-gising niya sa umaga, si Jack ba ang nagbibigay niyon sa akin? Imposible!?

" eh, si Kuya Jack po, mahilig din po ba siya sa mga pulang rosas?"

"Nah, hindi hija, ni minsan di ko nakita ang batang iyon na nilapitan ang mga tanim kung ito, pag pumupunta dito sa garden"

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip, kung ganun ay si Jack nga ang naglalagay ng mga bulaklak sa labas ng kwarto nila ng tiyahin niya, pero bakit naman nito iyon ginagawa?

Biglang naisip niya ang batang si Jack na palaging siyang inaasar pero palagi namang nanriyan pag may nang-aaway sa kanya para ipagtanggol siya, bakit ba ngayon lang niya naisip ang mabubuting bagay na ginawa nito para sa kanya.

"Hija? okay ka lang?" pukaw sa kanyang pagmuni-muni ng ginang.

"Opo, may naisip lang po ako" magalang na sagot ko. bigla itong ngumiti.

"nami-miss mo na ba agad ang boyfriend mo, hija?" 

"Medyo po" namumulang amin niya.

"haha, mabuti pang puntahan mo siya sa resort, magdala ka na lang ng tanghalian niyo, sigurado akung matutuwa iyon" 

may kalayuan kasi ang resort mula sa bahay ng mga ito.

"sige po, Mama" nang-akma na siyang aalis ay bigla siya ntong pinigilan.

"hija, sandali, kung makagawa man ng pagkakamali ang anak ko sa iyo sana, intindihin mo siya" 

"Po?" naguguluhang tanong niya dito.

"Wala, hija.. sige na puntahan mo na siya, Mag-enjoy kayo" nakangiti nitong pagtataboy sa kanya.

"Sige po" nakangiting iniwan niya ito sa garden at tuluyang nalimutan ang sinabi nito kanina.

Excited siyang nagbalot ng tanghalian nilang dalawa ni Jack, kalahating oras lang ay nasa resort na siya, matagal narin siyang di nakakapunta sa resort ng mga Suarez, actually isa lang ito sa mga resorts na pag-aari ng pamilya ng 'nobyo' na nasa iba't - ibang bahagi ng bansa. noong nakaraang linggo ay niyaya siya ni Jack na pumunta dito pero dahil medyo busy siya ay di siya sumama. kumatok mona siya sa pinto nito, kung saan siya itinuro ng receptionist na naka duty.

"come in" narinig niyang utos ni Jack mula sa loob ng opisina  nito.

dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, bigla naman itong napatayo ng makita siya at sinalubong kaagad siya ng yakap dito.

"baby, himala at dinalaw mo ako dito" tuwang-tuwang bati nito.

bahagya niya itong tinulak pero di parin siya nito binibitawan.

"hoy, lalaki, wala po tayong audience !' kunwaring inis na sita niya dito.

tumawa lang ito bago sya pinakawalan, umupo siya sa couch na naroon at inilapag sa center table ang basket na may lamang pagkain nila.

"Ano yan?" tanong nito.

"Pagkain mo" pagtataray niya dito.

"Wow! talaga?" umupo ito sa tabi niya at tinulungan siyang ilabas ang mga pagkain na nasa basket.

" ang dami naman nito" 

"dito rin ako kakain" sabi niya dito, nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito.

"salamat, baby" anito at hinalikan siya sa pisngi na ikinagulat niya.  inabutan siya nito ng plato at ito narin ang naglagay ng pagkain sa plato niya.

Napatitig siya dito, Ngayon niya lang napansin na masyado na pala niyang inilapit ang sarili dito,paano na lang kung matapos na ang anim na buwan na usapan nila? sooner or later ay maghihiwalay sila  at hindi niya alam kung bakit nangangamba siyang baka hanap-hanapin niya ang pag-aasikaso at paglalambing nito.


TBC. . .


When LOVE and HATE Collide. (The Billionaire Series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon