Chapter 55: Big Deal?

Magsimula sa umpisa
                                    

On the right side, there is Lexi and Scott. Lagi silang nagsasakitan, ganyan na talaga sila maglambingan. Pero who cares? All I can see is happiness. Saan ka nakakita nang nagsasakitan na, tawa pa rin ng tawa. Many would call their relationship, weird. But look, ang strong strong ng relationship nila. Naalala ko bigla, nagshare sakin si Lexi about sakanila ni Scott. Ang reason daw kung bakit hindi pa sila nagkakaroon ng serious fight ni Scott eh dahil hindi niya matiis yung kakulitan ni Scott. Ugali kasi ni Scott na maunang humingi ng sorry sa tuwing nagkakatampuhan sila at hindi daw siya baliw para pairalin ang pride niya. Hindi nila pinapatagal yung away nila ng isang araw.

Sa kaliwa ko naman tahimik na nakaupo si Fretzie at Ethan. Sobrang tahimik at awkward nila ngayon, hindi man lang naguusap. Pero magkaholding hands! Napangiti ako, ewan ko ba! Nakakakilig sila kahit wala silang ginagawa. XD

Haaaay. Ako na lang pala yung walang lovelife saming apat noh?

Keri lang. Hindi naman dapat minamadali yung bagay na yan. How ironic. Kung sino pa yung unang nagkalovelife samin, siya pa yung nagiisang single ngayon.

Eeehhhhhh! Bakit feeling ko ang lungkot ko?! Waaaah! Hindi pwede! Dapat masaya ako kasi sa wakas, masaya na yung mga kaibigan ko kasama yung mga boyfriends nila. Dapat masaya ako!

Tumayo ako. Feeling ko mababaliw ako kung uupo lang ako dun. I need fresh air!

Lumabas muna ako ng bar.  Waaaah! Ang daming stars! Shining bright like a diamond. *____*

“Ashley!” Nagulat ako nung may tumawag sakin. Pagtingin ko sa likod nakita ko sila Fretzie, Monique at Lexi.

“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sakanila.

“Ikaw, bakit ka nandito?” Tanong ni Lexi. Answering me with another question?

“Hmm… Papahangin lang. Ang ingay masyado sa loob.”

“Malamang. Di naman library to. Hahahaha!”

=____=

Palagi na lang akong inaasar ng babaeng to. Hmpf!

Inakbayan ako ni Lexi tapos naglakad kami. Sumunod naman sila Fretzie at Monique.

“S-San tayo pupunta?” Tanong ko sakanya.

“Hahanapan kita ng lalaki! Yung matino! Yung hindi manloloko!” Hinampas ko nga! Asar to.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon