Chapter 2: Getting to know each other

353 8 0
                                    

Masyadong nag enjoy ang lima sa kanilang pag iinuman, at hndi nila halos namalayan na lasing na pala silang lahat. Si Iya at Maja, hindi na kinaya ang pag inom. Nauna ng magpaalam na matulog dahil sa sobrang pagkahilo nito. Si Enchong, na halos hndi na alam ang kanyang ginagawa ay nakuha pang magbiro sa mga kasama. Gumagawa siya ng mga kilos na ikinatawa nina Kim, Maja at Xian. Si Kim naman, unti-unti na syang nahihilo dahil sa lakas ng tama na dulot ng kanilang iniinom. Habang nanghihina na ang lahat si Xian naman ay halos bale wala lang sa kanya ang iniinom niya, Ngunit mejo nakakaramdam na din siya ng pag sakit ng ulo.

Napagpasyahan nila na itigil na ang pag inom. Hinatid ni Xian si Enchong sa bahay nito dahil sa sobrang lasing na ito. Nanatili naman si Kim sa loob ng kwarto nina Maja at Iya dahil sabi ng mga ito sa kanya ay ihahatid ito sa kanyang kwarto. 

Inintay lang nila si Xian, matapos nitong maihatid si Enchong sa bahay nito. Upang ihatid at ipaalalayan si Kim papunta sa kwarto nito kasama si Maja at Iya.

AT ROOM 5513

Mag aalasdos na ng umaga, ng makarating si Kim sa kwarto nya. Inalalayan siya ni Xian sa pagpasok sa kanyang kwarto at inihiga ito sa kanyang kama. Habang namangha naman si Iya sa ganda ng kwarto ni Kim na kakaiba talaga sa ichura ng kwarto nya.

"Kim, ang ganda ganda naman ng kwarto mo"

Ang tanging naisagot lang ni Kim ay ang isang ngiti sa kanya.

"Ikaw lang ba talaga mag isa dito?"

"Oo Iya. Ako lang ehh"

"Wow, Buti nakakaya mo"

"Hayyy buti na nga lang kahit papaano, nagagawa kong magtiis. Okay na din ito mas nagagampanan ko ang pagiging independent ko."

"Sabagay"

Bigla naman naisipan ni Kim na mag aya papuntang Roof deck dahil gusto niyang makakuha ng sariwang hangin mula sa labas ng sa ganun ay mabawaan ang sama ng pakiramdam niya at pagkahilo.

"Maja, Iya, Xian. Baka gusto nyong umakyat sa Roofdeck?"

"Ha? Kim. Masyado ng late noh? At saka masakit na talaga yung ulo namin. Gusto na namin magpahinga." sagot  ni Maja sa kanya na sinang ayunan naman ni Iya at Xian.

"Ahh ganun ba. Osige. Hay. Okay na ako. Pwede na kayong bumalik sa kwarto nyo at magpahinga na din kayo. "

"Osige Kim. Goodnight. Matulog ka na at magpahinga"

"Sige. Matutulog na ako. Goodnight. Salamat sa inyo ha, Nag enjoy ako."

Nag paalam na ang tatlo at bumalik na sa kani-kanilang kwarto matapos nilang maihatid si Kim. Nagpapahinga na si Kim, sinisimulan na niyang pilitin ang sarili nyang makatulog kahit pa sobrang sakit ng ulo nya. Patay na lahat ng ilaw sa kwarto nya. Sarado na ang lahat ng pintuan. Ng biglang...

NAMATAY ANG AIRCON NYA.

Sinyales na nawalan ng Kuryente ng sandaling oras ngunit nabuhay agad ito. Mejo nagising ang diwa nito at natakot siya. Napagpasyahan naman niya na buhayin ang ilaw sa kanyang lamp para may ilaw siya at hndi siya matakot dahil sa nangyari. 

Nagpapahinga na ulit siya, nagsisimula na siyang pumikit ng biglang..

MAY KUMATOK SA PINTUAN NYA....

Nabahala naman siya kung sino ang taong kumakatok sa pintuan nya ng ganung oras. Kaya bago niya bukasan ang kanyang pintuan tinanong muna niya kung sino ang kumakatok.

"Sino yan?"

"Pabukas ng pinto Kim." isang pamilyar na boses ang kanyang narinig. 

"Sino ka ba?"

"Si Xian to'"

Ikinawang ni Kim ang pinto at kinausap si Xian.

"Anong ginagawa mo dito Xi?"

"Diba sabi mo kanina gusto mong pumunta sa Roof deck?"

"Ahhhh oo. Pero diba sabi nyo magpapahinga na kayo?"

"Baka sila lang? Hahaha. Andito nga ako diba?" sagot naman ni Xian na tila ay namimilosopo.

"Hahahahaha. Teka kunin ko lang yung phone ko."

"Wag na! Wala ka na naman sigurong itetext ng ganitong oras diba?"

"Hay sige na nga!"

Nakarating ang dalwa sa Roofdeck, Napakalamig ng simoy ng hangin. Napaka tahimik. Silang dalawa lang ang tao doon dahil kahit siguro mga guard sa Condo nila ay nagpapahinga sa baba ng building. 

Masmadalas tumambay si Xian sa Roofdeck kaya kabisado niya ang lahat ng parte ng roofdeck sa Condo nila. Ultimo yung mga naakyat sa Roofdeck ay kilala na din nya dahil sa pag wala siyang magawa ay dun lang sya tumatambay at nagpapalipas ng oras.

"Halika punta tayo dun!" ang sabi ni Xian kay Kim.

"Ha? Saan ba?" 

"Basta! Sumama ka na lang sa akin"

Walang nagawa si Kim dahil hila hila na ni Xian ang kamay nya at pinilit sumama sa kanya. Nagtataka ito san ba naman dito sa Roofdeck balak syang dalhin ni Xian. Nakita niya ang isang samentong upuan sa may kaliwang bahagi ng roofdeck. Dun pla sya balak dalhin ni Xian. Upang makaupo sila at makapagpahnga dun.

"Diba mas maganda dito? At least hindi tayo mangangawit kakatayo dun?" sabi ni Xian kay Kim habang nakangiti siya.

"Sabagay." ang tanging sagot ni kim sa kanya

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Hmm. Okay nman. Mejo masakit ang ulo pero kaya na. Hindi na tipsy"

"Ah mabuti kung ganun."

"Alam mo Xian, mabait ka pala noh? Muka kasing hndi kagandahan yung ugali mo nung una kitang makita o baka siguro dahil napaka mysterious mong tingnan." sabi ni Kim kay Xian.

"HAHAHAHAHA. Ganun ba? Sige mag kkwento ako tungkol sa sarili ko pero dapat mag kwento ka din ha."  ang sagot nman ni Xian kay Kim.

Nagpalitan sila ng kwento tungkol sa kanilang sarili. Nagkatawanan sila. Mejo nagiging tahimik pag seryoso na talaga ang kanilang usapan. Ikinwento nila ang kanilang buhay pamilya pati na din ang mga kwento tungkol sa barkada nila. Hindi nila namalayan na inabot sila ng 6am sa Roofdeck pakikipagkwentuhan sa isa't-isa dahil sa sobrang naging kampante sila sa isa't isa na tila matagal na silang magkakilala.

Inalok ni Kim si Xian na bumaba na mula sa Roofdeck.

"Xi, baba na tayo. Gusto mong kumain. Ipapagluto kita."

"Naman? Ang bait mo naman. Marunong ka bang magluto? Ha?"

"Oyy ha! Lakas mong magtanong. Oo naman. Masarap kaya akong magluto."

"Osige na. Baba na tayo. Ipapagluto mo ako ha. sabi mo yan."

-----> KUMUSTA NAMAN KAYA ANG MAGIGING UNANG BREAKFAST NI KIM AT XIAN TOGETHER? MAGUGUSTUHAN KAYA NYA ANG IPPREPARE NI KIM NA PAGKAIN PARA SA KANYA? ABANGAN NATIN ANG LAHAT NG YAN SA SUSUNOD NA CHAPTER. :)

THANKS FOR READING! :D

TWITTER: follow @GlydelAnne_

Ang Mainlove, TALO! (KimXi FanFic)Where stories live. Discover now