Blood 32 - unedited

Start from the beginning
                                    

Tumango ito bilang sagot. "I used to study here, when I was still young. It was on my last year here nang hulaan ako ng isa sa mga schoolmate ko noon, she has the ability to foresee the future with a glimpse, although it's quite vague."

"Ano pong sinabi niya?"

"She said, I'll be the one who'll bear the race's next hero. Sa sinabi niyang 'yon ay alam ko na ang ibig sabihin niya, bago pa man kasi kami mag-aral ay aware na kami tungkol sa prophecy. I thought I'll just have a random part of the prophecy, but I didn't expect..." Napangiti ang ina. "That I will be the mother of the chosen one."

Napangiti na rin siya sa narinig. May mga bagay talagang nakatakda nang mangyari. Just like the first chosen one...Sineiah.

"When I graduated, I decided to work as one of the class S official dito sa North Division, sa mismong headquarter. I met a man that time. I knew the first time I saw him that he's going to have a big role in my life. And that man was...your father."

Natigilan siya. Her father...

"Hindi ka naman nagtatanong ng tungkol sa kanya pero sasabihin ko na rin dahil tingin ko ay ito na ang tamang panahon. I kept this a secret to you for eighteen years and it's time now for you to know everything." Hinawakan siya ng ina sa magkabilang balikat at tinapik-tapik ito bago muling tumingin sa kawalan, siya nama'y nakatingin lang sa mga mata nito.

"He's a good man, a good vampire. Malaki ang concern niya sa mga tao. Dahil do'n ay nagustuhan ko siya. You know, like some cliché love story, we clicked, and bonded. Then, you came." Napangiti ito kaya gano'n na rin siya. Siguro sobra ang saya ng ina noong lumabas siya sa mundong ito, halata naman sa kung gaano siya nito kamahal. "It was good at first. But after a few months, he slowly changed, saying humans are weak and that they can't stand on their own. He said that he wants all to be the same and balance. I didn't understand him."

"One day, I told him about the prophecy, the oracle. I said it might be you, who could be the chosen one, or maybe as one of the guardians. I was caught off guard when he acted so odd and weird. Then the next few days, he told me to abort you."

Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Parang nanlamig at nanginig ang kalamnan ni Elisse sa narinig. How could a father be that cruel? Is this story's still worth listening for?

"Hindi ako pumayag, Elisse, although he's forcing me. I didn't know what happened to him, I didn't know what he's been going through, kung bakit niya nasabi 'yon. And so, I decided to escape. Itinakas kita sa mundo natin. Habang nagtatago, napagtanto ko ang mga magiging consequences ng pagiging involved sa nakatakdang mangyari. You'll be in danger."

"Natakot ako. Ayokong mapahamak ka, kaya binuhay kita nang hindi mo alam kung ano talaga tayo. But, we can't escape our fate. Kaya ito...nandito tayo ngayon, back where I started. We are here, in this university that's full vampires, in this world's full of danger."

"Mama..."

"Elisse?"

"Who's he? M-my f...father?" Ang hirap...ang hirap lang bangitin ng salitang iyon. She didn't know if he really deserved to be called a father.

Nagbaba ito ng tingin. "Haru."

Para siyang nabingi. Tama nga ba ang pagkakaintindi niya?

Parang huminto ng pansamantala ang mundo niya sa narinig. Siya? Siya ang...ang...f-fuck!

"Mukhang hindi talaga niya ako kinuwento sa'yo."

"It is my first time to see you...it's indeed a pleasure to finally meet the chosen one. Hail, Elisse."

"I am Haru."

"Gusto kong sumama ka sa akin at ipapangako kong hindi ka mapapahamak. After all, you are Rain's precious daughter."

Iyon ba ang dahilan kaya nito sinabi ang mga 'yon? Pero hindi man lang nito nagawang magpakilala, like she didn't really matter to him. She felt her heart breaking from both pain and rage. She wanted to cry, she wanted to hurt him. She wanted to ask him why. Pero masasabi niya kaya 'yon kung nagkataong nalaman niya na agad ang lahat?

May isa pang memoryang umagos sa isipan niya. Isang matagal nang pag-uusap. Ito yung panahon na kakarating niya pa lang noon sa unibersidad...

"Kamukha mo ang Mama mo."

"Thank you."

"Pero magkaiba kayo ng mata."

"Namana mo sa Papa mo?"

Siguro nga ay may namana siya rito. Pero dapat ba siyang matuwa?

_____

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Where stories live. Discover now