00:00:13

419 9 7
                                    

MAGKAKAKONEKTA ANG MGA KALULUWA NG TAO. Sabi ni Nicholas Sparks, iyon ang dahilan kung bakit sobrang sakit ng bawat paghihiwalay. Sabi niya, baka libong taon na kaming nabuhay bago ang buhay na ito, at maaaring pinaghihiwalay nila kami dahil sa iisang rason. Kaya kung libong beses na kaming nagpaalam sa isa't isa, maaaring magkita kami ulit. Kaya umaasa ako na ang paghihiwalay na ito ay susundan nang muli naming pagkikita.

Kurt Russel Sosa ang pangalang ibinigay sa akin ng tatay ko. Nakagawian niya na iyon... ang gawin ang mga bagay-bagay para sa akin.

Kurt ang palayaw ko. Nasa unang taon pa lang ako ng kolehiyo at kasalukuyang miyembro ng varsity sa University basketball team.

Ito ang una at huling taon na rin na mag-aaral ako dito. Kung kaya't ine-enjoy at sinusulit ko na 'yung mga nalalabi kong oras at panahon dito. Nilalaro-laro ko na nga lang ang pag-aaral, dahil alam kong hindi ko na iyon magagawa sa oras na dalhin na ako ni daddy sa larangan na siya lang ang may gusto para sa akin.

Isa akong 18-year-old na lalaking mahilig sa basketball. Bukod sa pag-aaral at sa barkada, iyon lang ang pinagkaka-abalahan ko ngayon. Sa totoo lang, iyon na lang ang ipinapasok ko araw-araw. Hindi na ako masyadong nagpupursigi sa pag-aaral, tutal hindi ko naman kailangang alalahanin ang kinabukasan ko... Dahil pinlantsa na iyon ng tatay ko, sa paraang siya lang ang nag-plano para sa akin.

Kung titignan ako, para lang akong normal na college student. Pero sa totoo lang... sobrang malayo ako sa normal na estudyante o normal na kabataan. Kahit gustuhin kong maging normal, hindi pupuwede.

Hindi rin ako na-link sa kahit na sinong babae. Hindi rin naman kasi ako sumubok pumasok sa kahit na anong relasyon. Hindi na ako nakiki-uso sa lovelife-lovelife na iyan, dahil ang mga katulad ko ay walang karapatan pagdating sa bagay na iyan. Kahit may magustuhan ako, hindi pa rin uubra. Sigurado naman kasi ako na darating ang araw na ipagkakasundo ako ng tatay ko sa isang babaeng ni hindi ko kilala. Isang babae na siya lang din ang may gusto para sa akin. Kulang na lang, siya na mismo ang ikasal sa babaeng iyon, para sa akin.

Siguro iniisip ng tao na masyado nang moderno ang panahon at mundo para sa mga pagkakasundo-sundo, kasal-kasal... Pero hanggang ngayon may mga nabibiktima pa rin ng sistemang iyon.

Hindi na ako magpapaka-hipokrito pa. Oo, may itsura ako. Kung idadagdag pa ang pagiging varsity member ko, natural lang na makilala ako sa iskwelahan namin... Lalo na sa mga babae. Pasensya na lang sila dahil hindi ko talaga binibigyan ng pansin at oras ang mga bagay tulad ng 'pag-ibig.'

Siguro, awtomatiko nang tinanggal ng utak ko 'yung ideya na iyon dahil sa kawalan ko ng karapatan para doon. Siguro paraan na rin iyon ng utak ko, para protektahan ang puso ko mula sa sakit na puwede kong maramdaman.

Kahit 'yung mga tinatawag nilang fling-fling lang? 'Wag na! Sayang lang ang oras ko sa kanila. Sanay naman na akong wala iyon. Hindi ko ikamamatay, hindi ako matitigang. Kuntento na ako sa ganito. Bibilang na nga lang ang oras na mayroon ako, sasayangin ko pa ba sa kanila?

Napagkakamalan na nga akong bakla dahil dito, pero kiber ko naman sa mga hanash nila? Nawalan na lang talaga ako ng pakialam.

Wala eh... sa dinami-rami ng puwedeng maging tatay ko, bakit ba si John Kennedy Sosa Jr., pa ang napunta sa akin? Kung minamas ka nga naman talaga.

May-ari siya ng isang matagumpay na hotel company dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa Asya. Masyado siyang makapangyarihan, kaya wala akong laban sa kanya. Tinamad na lang din akong magrebelde, kasi alam ko namang wala rin akong magagawa sa huli. Wala rin naman akong maayos na dahilan para gawin iyon, kaya siguro ako walang gana.

Itong pagpili sa unibersidad na pinapasukan ko ngayon, ang pinakahuling bagay na magagawa ko dahil sa sarili kong kagustuhan. Nangako siyang hindi ako pakikialaman sa buong taon na ito, kapalit nang pagsunod ko sa lahat ng gusto niya pagkatapos nito.

Isang segundo (Completed)Where stories live. Discover now