Hindi ako puwedeng magkagusto sa kahit sinong babae lang... Alam ko naman na mahihirapan lang ang taong iyon 'pag nagkataon. Hindi na ako nagbabalak na pumasok sa kahit anong relasyon, may dumating man na pagkakataon o wala... Dahil oras na matapos ang school year na ito, siguradong hindi ko na maaasikaso pa ang aspetong iyon ng buhay ko. Paniguradong tututukan ako ni daddy, bilang nag-iisa niyang tagapagmana. Hindi niya rin naman papayagan na magkaroon ako ng karelasyon na kung sino-sino lang.

Oo, nakakasakal. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga. Wala akong kalayaan... walang fun. Pero ayos lang iyon sa akin. Tanggap ko nang hindi magiging kagaya sa iba ang buhay ko. Tanggap ko nang hindi ako magiging kasing normal katulad ng ibang ka-edaran ko, pati ng mga kaibigan ko. At ayos lang sa akin iyon. Tanggap ko na sana ang ganoon...

Kung hindi ko lang nakilala ang babaeng iyon. Tanggap ko na sana ang lahat, kung hindi lang siya dumating... para iparamdam sa akin kung paano talaga mabuhay.

Ang kaso... nakilala ko siya.

Isang taon na rin mula nun. Nung mapatunayan kong tama nga ang sinasabi nila... na ang pag-ibig, hindi hinahanap, hindi hinihintay. Darating na lang ito sa panahon na hindi mo inaasahan.

At hindi inaasahang pagkakataon, ang babae'ng iyon... bigla-bigla na lang dumating sa buhay ko nung araw na iyon.

-

WITH MATCHING NGINIG pa ako habang umiihi, nung bigla na lang bumukas 'yung cabinet sa gilid ng dulong cubicle. At mula doon may lumabas na isang babaeng gumagapang, habang natatakpan ng buhok ang mukha.

Nanlaki ang mata ko, pero hindi ako nakasigaw. Biglang nagtama ang tingin namin nung bahagya niyang hinawi 'yung buhok niya. At ang tingin niyang iyon ay bumaba... Bumaba sa...

Agad-agad kong itinago ang patutoy ko, saka isinara ang zipper ng pantalon ko.

"Naka-lock 'yung pinto sa kabila" sabi niya nung makatayo na siya saka lumabas ng CR na parang walang nangyari.

Wala naman sa isip na napasilip ako doon sa cabinet na nilabasan niya, at nakita ang CR ng babae. Mabuti na lang at walang tao, kung hindi baka napagkalaman pa akong namboboso..

Para akong na-Chronicles of Narnia. O mas tama bang sabihin na Chronicles of Sadako?

Pero teka, wala man lang bang "Ay sorry!" O kaya naman, "Hala, hindi ko sinasadya, pogi!"

Ano, ganoon-ganoon na lang iyon? Iyon na 'yun?! Matapos niyang makita 'yung... 'yung... 'yung ano ko?! Hindi man lang ba siya hihingi ng tawad sa junior ko?!

Tumakbo ako palabas para habulin 'yung manyak na babae, at suwerte namang naabutan ko siyang naglalakad lang.

"Hey! Sadako!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ko nililingon at patuloy lang siya sa paglalakad. Wala naman masyadong tao sa paligid, kaya hindi ako nahihiyang sumigaw. "Hey! Oy ikaw- Manyak!"

Noon lang siya huminto at lumingon sa akin, kaya naman napahinto rin ako sa pagsunod sa kanya.

Ang. Ganda. Niya. Pala.

Wala sa isip na napalunok ako nung makita 'yung poker na expression sa mukha niya.

"Na-nakita mo ba... 'Yu-yung ano... Um. Did you see anything?"

ANG TANGA!

Oo, ang tanga ko sa parteng iyon. Napatikhim na lang ako nung mapagtanto kong ang tanga-tanga nung tanong na lumabas sa bibig ko. Nakakahiya. Anong katangahan iyon, Kurt? Anong klaseng tanong iyon...

'May nakita ka ba?' Juice ko, nakakawala ng pogi points 'yung katangahan na iyon. Ano ba, Kurt! Ang tanga-tanga.

Napatingin ako nung sarkastiko siyang tumawa. Pero mas nakakatanga pa 'yung isinagot niya sa akin, "Ano naman kung nakita ko nga?"

Isang segundo (Completed)Where stories live. Discover now