WHB. 6 - "I Will Take You Forever"

Start from the beginning
                                    

“Mukhang pinaghahandaan mo talaga ng mabuti yang contest na yan ahh” Nanay

Napangiti nalang ako. Pumunta na ako sa kusina para kumain. Sumunod naman sina Tatay at Nanay.

“Ano anak? Nililigawan ka na ba nung DJ?” Tatay

Napatingin ako kay Tatay. “Tay, magkaibigan nga lang kami nun. Tsaka sino ba naman ako para magustuhan nya?”

 

“Tatay oh, nagda-drama anak natin..” Nanay

“Awwww…. Basta sabihin mo samin pag-kayo na haa..” Tatay

“Tatay naman…” sabi ni Nanay sabay hampas ng mahina kay Tatay

“Joke lang ehh, eto naman” Tatay

Natawa na lang ako. Nagpatuloy na kami sa pagkain.

Ganyan talaga kami. Kahit di kami masyadong mayaman atleast masaya kami sa piling ng isa’t-isa.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

TIME CHECK: 5:00pm

 

 

Nagbibihis na ako ngayon dahil pupunta pa ako kanila Julia.

7pm ang start ng contest. Kailangan pa naming mag-final practice.

When Heart Beats (KathNiel)Where stories live. Discover now