WHB. 3 - "Knowing You More"

2.6K 59 5
                                    

CHAPTER 3

DJ’S POV

 

 

“Music Room…Music Room…”

Kasalukuyan kong hinahanap ang classroom para sa Music Room. Sabi kasi nung pinagtanungan kong studyante, dito daw yun sa floor na’to.

Maya-maya ay nakita ko na rin ang classroom namin. Hindi pa naman ako late dahil 10 minutes pa ang natitira. Pumasok na ako.

Konti lang ang kumuha ng subject na’to? Wala na bang hilig sa music ang mga kabataan ngayon?

Hindi nga pala alam ni mama na kumuha ako ng subject na Music. Alam nyo naman, magagalit yun.

Nilibot ko ang paningin ko. mukha namang mababait ang mga kaklase ko. At sa paglilibot ko ng tingin. May nakita akong tao na mukhang pamilyar.

Si Kath!

Nandun sya sa second row. May kausap syang babae. Lumapit ako sa kanya.

“Hi, I’m Jamie!” sabi ng isang studyante.

“Hello. Daniel or DJ for short” ako

“Oh nice name. ang cool mo naman, bihira na lang ang mga lalaking mahilig kumanta” Jamie

“Ah-eh, ganun ba? Hehe..”

Kita ko nga sa buong classroom kung gaano kaunti ang mga lalaki. Halos 10 lang ata kami dito and 14 girls, I think.

When Heart Beats (KathNiel)Where stories live. Discover now