The PROLOGUE

4.7K 74 1
                                    

PROLOGUE:

 

 

Daniel John Ford Padilla…

Bata pa lamang ay nakita na nya ang tunay na kagandahan ng musika. Hanggang sa pagtanda nya ay ito ang tanging naging kaibigan nya. Musika ang naging mundo nya.

Pero paano kung ang nag-iisang tao na inaakala nya na susuporta sa kanya ay sya palang maglalayo sa mga pangarap nya. Itutuloy nya pa kaya ang pagtupad sa pangarap nya?

Buti na lang at nakahanap sya ng isang taong makakatulong sakanya upang mas mapalapit pa sya sa mga pangarap nya. Sya ang naging dahilan kung bakit mas niyakap nya ang musika. Ito rin ang dahilan ng pagtibok ng puso nito

Hanggang saan niya kaya ipaglaban ang pangarap nya? Ngayong malapit na sya magtagumpay.

Susuko ba siya o mas mananaig ang kagustuhang manatili kasama ng mga importanteng bagay sa buhay nya?

Tunghayan natin ang himig ng kanyang puso…

Kathryn Chandria Bernardo…

Boses ang tanging puhunan sa buhay. Sa murang edad ay suki na ng mga Singing Contests. Kasabay ng pag-gabay ng kanyang mga magulang ay lumaki itong mahilig sa musika.

Sa pag-abot nya ng kanyang mga pangarap ay dala-dala parin nya ang talentong inalagaan.

Hanngang sa nakatagpo sya ng katuwang sa pag-abot ng pangarap nya. Sabay nilang tinupad ‘yun. Dahil din sa taong ito ay naranasan nyang marinig ang musika sa puso nya..

Kung kailan malapit na nilang matupad ang mga pangarap nila ay tsaka naman sumulpot ang magulong tadhana.

Itutuloy nya parin kaya ang pangarap na nasimulan nila kahit na mag-isa nalang siya? O mas pipiliin na lamang na ihinto ito at kalimutan na lang lahat ng nangyari.

Tunghayan natin ang himig ng kanyang puso…

When Heart Beats (KathNiel)Where stories live. Discover now