end

751 48 26
                                    

     Ngiting-ngiting kumaway si Jihoon sa lahat ng mga taong nasa harap niya ngayon. Lahat sila ay sinisigaw ang pangalan niya. Pumapalakpak. Nagchecheer. Ang iba, lalo na ang mga fangirls, ay mangiyak-ngiyak sa tuwa dahil nasa harapan nila ang kanilang idolo.

After three years, isang ganap na idolo na si Jihoon. Natupad na niya ang kanyang pangarap. Ang maging composer at singer. Hindi na lamang siya sa school kumakanta. Hindi na lamang siya nagcocompose para sa performance nila. At hindi na lamang higit sa limang daan ang nagchecheer para sa kanya.

Ngayon, kumakanta na siya sa harap ng maraming tao. Nagcocompose na siya ng mga kantang ipeperform niya at iproproduce para marinig ng mga maraming tao. Sa isang malaking kompanya na siya nagtatrabaho. At higit sa lahat, libo-libo na ang kanyang mga taga-hanga.

Tatlong taon niyang pinaghirapan ang kanyang pangarap. Para makamit niya 'to. God knows how hard it was for Jihoon to reach his ultimate dream. Isang taon siyang nahirapan dahil pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at ang pag-abot sa kanyang pangarap. Yes, it was too difficult for Jihoon but he never gave up. Nakatulong din naman ang kanyang mga kaibigan dahil hindi sila umalis sa tabi niya. Kasama niya ang mga ito sa hirap. They became his constant source of inspiration. Supportive friends, ika nga.

"Woooh! Kaibigan namin 'yan!"

Napatingin siya sa bandang kanan ng venue. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan na full-support sa pagsuporta sa kanya at sa kanyang first ever concert. Kumaway siya sa kanila at masayang kumaway naman pabalik ang mga ito. He's very thankful of having friends like them. Kung bibigyan 'man siya ng pagkakataong magpalit ng mga kaibigan, hinding-hindi niya ipagpapalit ang mga ito. They're one of a kind. Wala na siyang hihilingin pa.

Pinagmasdan ni Jihoon ang lahat ng mga tao sa venue. Kabado pa rin siya hanggang ngayon pero dahil sa pagchecheer ng crowd, unti-unting nababawasan ang kanyang kabang nararamdaman. He loves the crowd. Hindi niya aakalaing makakapagperform siya sa harap ng ganyang kadaming tao. Nasanay marahil siya sa mga schoolmates niya na nasisiyahan sa kanyang performance tuwing may event sa school. Eh 1/16 lang yata 'yon sa dami ng tao ngayon. 'Ni hindi niya nga ineexpect na magso-sold out ang tickets na nirelease para sa concert niya. He was beyond happy because of that. Ecstatic, maybe. Basta sobrang sarap sa feeling na maraming tao ang sumusuporta sa kanya. Sobra-sobra ang saya niya.

He was told to say something for the fans. Itinapat niya ang mic sa kanyang bibig at napakurap siya nang biglang naghiyawan ang mga tao. Napatawa siya at sigawan ang sumagot sa kanya. Partida, tumawa lang siya ah.

Tumikhim siya, "hi guys!" He chuckled when the crowd replied AHHHHHH.

"Are you enjoying the night?" Itinapat niya ang mic sa harap at sabay-sabay na sumagot ang mga fans ng YESSSS! Napatango-tango si Jihoon at saka nagthumbs up.

Isang ngiti ang naglaro sa kanyang labi. He looked at his watch and frowned, "pero mukhang matatapos na ang concert."

Nagprotesta ang mga fans. They obviously don't want the concert to end. Kahit naman si Jihoon, ayaw niyang matapos ang lahat ng ito. Nakakatakot. Na baka kinabukasan, biglang magbago at mawala ang lahat. Na baka biglang magbago ang ihip ng hangin. Na baka panaginip lang pala ang lahat.

Tulad 'nung ano. . .dati.

He showed off a smile as if nothing crossed his mind. As if no one crossed his mind.

Itinaas niya ang kanyang free-hand as a sign of defeat. "I was just joking you, guys! Ayoko rin naman matapos ito. Kung pwede lang hanggang kinakabukasan na tayo rito kaso 'di pwede eh. Next time ganon nalang, alright?" Nagsisagutan ang mga tao, gustong-gusto ang naisip niyang kalokohan.

Fancalls / jicheolWhere stories live. Discover now