STBW 18.

7.6K 144 18
                                    

Claire's POV

Maaga akong nagising maski nahirapan pa akong matulog kagabi dahil sa kaka-isip. Ngayon na sana ang alis ko rito sa bahay. Tinawagan ko na rin sina mommy at ang sabi naman niya ay maayos na 'yung kwarto ko. I know that my parents are excited, gan'un din naman ako. Ilang buwan din kasi akong nawala sa bahay simula ng ikasal ako kay Vince ay hindi na ako ulit d'un natulog.


For the last time, nilibot kung muli ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto ko. Naroon pa rin ang mga picture frames ko na nakasabit sa mga ding-ding, mga picture ko kasama si Ash, mga solo ko at may ilang picture din si Vince d'un. Karamihan mga stolen shots na kuha ko at ang ilan naman ay galing sa mga sinaved kung pictures niya mula sa mga social media accounts niya. Hindi ko napigilang mapaluha nang kunin ko na 'yung bag kung nakalapag sa kama. You can't blame me, nakasanayan ko narin kasing tumira dito sa kwartong 'to sa nakalipas na mahigit isang taon. Kahit puro iyak at hagulgol ang mga memorya ko rito ay meron din namang masasaya. This room is where I pictured myself having kids with Vince. Where I imagined spending our days, weeks, months and years, just full of laughter and love. Where I imagined that he loves me and care for me the way I did. But those things I have created in this room are slowly fading right now. Lahat ay isa na lang imahinasyon na hindi kailanman matutupad. I wiped my tears as I pulled my luggage. Hindi rin naman ganoong karami ang dinala kung mga gamit dahil ang dahilan ko lang naman kina mommy ay hindi gan'ung ka-valid. If I will have the chance, maybe I should really tell my parents the truth. Pero sa ngayon, papanindigan ko na muna 'yung ginawa kung rason.

Dahan-dahan kung ibinaba yung mga bag ko sa hagdan. Kung maaari kasi ayokong gumawa ng kahit na anong ingay. Ayokong magising si Vince, posible kasing mahimbing pa ang tulog n'un gawa ng siya ay lasing kagabi.

Napangiti ako ng matagumpay kung naibaba ang luggage at ang bag ko. Napatingin pa ako sa kwarto ni Vince kung nagising ito ngunit nanatiling sarado ang kanyang kwarto. Hinila ko ang mga ito hanggang sa makarating ako sa garahe ngunit laking gulat ko nang makitang Flat ang mga gulong ng sasakyan ko.

"Oh my god!" halos maiyak ako ng makitang apat na gulong ko ang wala ng hangin. Lahat flat. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Sino naman ang tarantadong gagawa nito bukod kay Vince? Eh siya lang naman ang kasama ko rito sa bahay.

Walang alinlangang sinugod ko siya sa kanyang kwarto, wala ng iba pang gagawa nito sa mga gulong ko kundi siya lang. Dahil sa inis ay halos takbuhin ko na ang hagdan. Mas uminit pa ang dugo ko nang makita ko siyang relax na relax na naka-upo sa sofa ng kanyang kwarto. Napatingin naman agad 'to sa akin.

"Bwisit ka! Anong ginawa mo sa kotse ko?" sinugod ko siya at pinagsasapak ang kanyang katawan. Napatayo ito at sinapo ang mga sapak ko.

"What?" inosenteng tanong niya.

"Bwisit ka. Talagang nagmamaang-maangan ka pa. Ikaw! Ikaw ang nag-flat ng mga gulong ko!"

"Flat? Gulong? Claire, hindi ako may gawa n'un." he defended.

"Eh sinong gagawa n'un? So, umandar mag-isa sa labas tapos pagbalik flat na?" Nakakainis. Tarantado na nga, sinungaling pa. Halata namang siya ay may gawa n'un. Ayaw niya akong paalisin kaya niya siguro nagawa yun. But hell, ayaw pang umamin.

"S-siguro may siraulong nan-trip sa kotse mo."

"Oo siraulo ka kasi, buti naman aware ka. I know, it's you Vince. Kung gusto mo 'yung kotse ko. Fine, sayo na! Bwisit." bago ko siya magawang  talikuran ay nahawakan na niyang muli 'yung kamay ko.

"Pwede namang huwag ka nang umalis eh. I'm a man of my words. Promise magbabago na talaga ako. Sorry na."

Agad kung hinila 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya. I faced him and frowned. "Sorry? Ngayon ka mag-sosorry, Vince? Ni hindi ko nga alam kung sincere ka o baka lang naman kasi nagmamaka-awa ka ngayon, dahil wala ka ng katulong dito sa bahay. Wala ka ng human punching bag hindi ba?"

"No! Hindi 'yun. Oo Claire, Lasing nga ako kagabi pero alam ko lahat ng mga pinag-sasabi ko. I'm a jerk kasi kung kailan ka sumuko tsaka ko nakita ang kahalagahan mo." napayuko siya. "And I'm so sorry for that."

Hindi ko alam kung tama pa ba itong pananatili ko rito sa kwarto ni Vince. Mali atang sinugod ko pa siya. Sana pala hindi na. Sana pala hinayaan ko na lang yung kotse ko rito at tuluyan ng umalis. Wala na sana itong confrontation at sitwasyong 'to.

His eyes were fixed on me. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil nakita kung umamo ang kanyang mga mata.

Hahawakan pa niya sana yung isa kung kamay pero nailayo ko 'to agad.

"And if you think that I'm not sincere, then  you are wrong. Totoong magbabago na talaga ako kung 'yun ang paraan para manatili ka. Kung gusto mo ako na lahat ang gagawa ng mga gawaing bahay, ako narin ang mag.. mag-luluto tsaka maglalaba. I'm going to treat you right this time. Hirap man paniwalaan pero, nasanay na ako kasama ka. Sinanay mo ako sa lahat ng bagay. Kaya please, I'm sorry. Luluhod pa 'ko kung gusto mo."

"Edi lumuhod ka. Ang dami mong sinasabi. Ang drama mo. Hindi mo bagay, Vince." tinalikuran ko na talaga siya.

"Claire!"

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas na ako ng kwarto niya. Narinig ko pa ang isang kalabog at mura sa loob.

Dali-dali akong lumabas sa bahay para kunin ang mga naiwang gamit ko sa garahe. Kung maaari talaga ay tatakbuhin ko na ang palabas sa gate. Ayokong maabutan niya ako. Narinig ko pa ang pag-tawag niya sa pangalan ko, hudyat na sinundan niya nga talaga ako.

"CLAIRE!"

Nakalabas na rin siya ng bahay kaya dali-dali kung hinila ang luggage ko. "Taxi!" sigaw ko nang makita ang isang Cab sa Village. Buti na lang may dumaan dito, kung hindi ay malayo-layo pa ang lalakarin ko mula sa labas.

"CLAIRE!" nakita kung napamura siya nang huminto ang taxi sa harapan ko. Agad akong sumakay sa taxi ng makitang agad siyang tumakbo sa loob ng bahay. For sure, kukunin niya 'yung susi ng kotse niya.

"Manong. Pabilis na lang po." utos ko nang makasakay na ako. Hindi naman ako gaanong nahirapan sa magpasok ng mga gamit ko sa taxi dahil isang luggage at bag lang naman ito.

"Saan po tayo ma'am?"

"Sa 6th street po."

Habang palayo na ang sinasakyan ko ay hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyayari. Vince is acting so strange lately. Nakakapanibago. Kung siguro dati niya pa itong ginawa, baka mangisay pa ako sa kilig. Pero ngayon, kahit sabihin pa nating meron parin akong pagmamahal sa kanya ay hindi ko magawa. Siguro dahil talagang napagod na ako.



Hindi pa kami gaanong nakakalayo ni Manong nang tumunog ang Phone ko.

Love of my life Calling...

Bittersweet. Hindi ko pa pala napapalitan ang pangalan niya sa phone ko. Tulad ng sabi ko kanina, kung siguro dati pa ito nangyari ay kikiligin din ako. Isa kasi sa mga pangarap ko ay ang tawagan niya ako, kaya lang ay talagang mailap ito. Kaya itong pagtawag niya ay nakakapanibago. Hindi ko nga akalain na may number ko pala siya.

In-end call ko agad pero wala pa ang ilang segundong nakakaraan ng tumawag ulit 'to.

"Bwisit ang kulit." I whispered.

Papatayin ko na sana ang Phone ko nang magtext ito.

Uy, Claire. Sorry na.

Dahil sa takot na sundan niya pa ako hanggang sa bahay ay nireplyan ko na agad ito. Baka mabuking pa kami nila mommy. Ayokong malaman nila hindi kami okay ni Vince, at kailanman hindi kami naging okay.

You're acting so strange, Vince. Pwede ba. Give me some time. Sinabi ko kina mommy na nag-out of the country ka. All I need is space. Sa oras na magpakita ka kina mommy or daddy. You will never see me again. Otherwise you need to think too.


Pagka-sent ko n'un ay pinatay ko na agad ang Phone ko. I took a deep breath at nirelax ko ang sarili ko. Sana naman bigyan niya kami pareho ng panahon para mag-isip. We need to sort things out.

She's the Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon